Anticipated na ni Rhian Ramos bilang si Joy dela Rosa sa My Destiny na may pasabog ang karakter niya ngayong magtatapos na ito tonight.
“Sa simula pa lang, feel ko ng may something sa character ko. Expected ko ng somehow ay may kakaibang mangyayari,” anang tisay na aktres nang bisitahin namin sa set ng naturang GMA 7 soap sa Biñan, Laguna.
At dahil sanay na raw siya kay direk Joyce Bernal na nakasama na siya sa ibang soap opera niya, “Hindi puwedeng ganun-ganun lang yun. Expect it to be something real big!”
Sa kuwento nga ay tumindi ang “conflict” ng karakter niya at ng kapatid na si Grace (Carla) dahil kay Matthew (Tom) at sa pamilya nila (Lorna Tolentino, Kuh Ledesma at iba pa) pati na rin kay Jacob (Sid Lucero).
“This is one of the best soaps na nagawa ko. Ibang high ang feeling,” sey pa ni Rhian na umaming loveless sa ngayon at hindi rin open na maligawan. “Kaya yung mga guys na nagpaparamdam, I immediately tell them para walang sayangan ng oras. As friends okay lang,” aniya pa.
Kung wala nga raw taping at iba pang showbiz commitments, busy si Rhian sa kanyang sport na car racing, “Pambalanse ko kasi sa buhay. Life there is so different. Pati mga tao du’n iba. There, puwede akong mag-amoy pawis, magmukhang marumi. Saka iba yung adrenalin, ibang high,” tsika pa ni Rhian.