‘The Trial’ ni Lloydie nakakaiyak: Kaya magdala kayo ng tuwalya!

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD

ANG dami ko nang nakausap tungkol sa pelikulang “The Trial” ng Star Cinema starring John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Vince de Jesus and Sylvia Sanchez, directed by no less but Chito Roño at lahat sila ay isa ang sinasabi – NAPAKAGANDA raw ng pelikula.

“Iyak ako nang iyak sa pelikula. Nakakatawa nga dahil after kong lumabas ng sinehan, parang dala ko ang character ni John Lloyd, yung pagiging mentally challenged niya. It’s such a very beautiful movie. Mabuti na lang at narinig kong pinu-promote mo ito sa ‘Mismo’ sa DZMM kaya inabangan namin ng asawa kong si Vale ang film on its first day para hindi pa gaanong puno ang sinehan.

“Nagkamali pala ako, sobrang puno ang sinehang napasukan namin. Grabe ang dami ng tao. You have to watch it, ‘Nay. Tama si Ms. Sylvia (Sanchez) when she told you na huwag lang tissue paper ang dalhin pag nanood ka, kundi tuwalya!” sabi ng anak-anakan nating dating aktor na si Dranreb Belleza who proudly called me the other day.

Sabi ko nga, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag pinalagpas ko itong “The Trial: dahil bihira lang tayo nakakatunghay ng ganitong uri ng pelikula. Puro bolahan at pa-cute kasi ang ibang Pinoy movies pero sabi nga ng mga nakakausap ko, iba raw talaga ang obra na ito ni direk Chito – it talks about real life – yung mga special concerns on special people.

Grabe raw ang mga dialogue dito, nakakaantig. Kaya talagang paglalaanan ko ng oras ang pelikulang ito, come what may. Kasi nga, tamad talaga akong manood ng sine – be it local or international dahil puwede naman akong manood sa DVD pero iba pa rin pala yung makipagsabayan ka sa public on its regular run. Ayokong mapag-iwanan ng mga nagkukuwentuhan lalo pa sa ganitong uri ng obra.

Congrats, Star Cinema and to everyone involved in this production. Humanda kayo at susugod talaga ako sa sinehan with my friends and family. As if naman may care sila! Ha-hahaha!

Read more...