Kailangang baguhin ang VFA

ISANG US Marine, Private First Class (Pfc) Joseph Scott Pemberton, ang suspect sa pagpatay sa isang Pinoy na transgender na si Jeffrey Laude, na kilala sa pangalang Jennifer.

Ang isang transgender ay bading na nagsusuot ng damit ng babae.

Pinatay si Jennifer ng walang awa. Natagpuan ang kanyang bangkay na nakasubsob sa inodoro sa isang motel sa Olongapo City.

Sa ngayon, wala sa kustodiya ng Philippine police ang suspect na si Pemberton. Siya’y nasa custody ng US military authorities.

Masalimuot ang kaso laban kay Pemberton dahil sa ilalim ng Visiting Forces Agreement, ang US military ang dapat magkustodiya sa kanya.

This is not the first time that the US has taken custody of a US soldier who is a suspect in a criminal case.

Ilang taon na ang nakaraan nang ang US Marine na si Pfc Daniel Smith, na na-convict sa kasong panggagahasa sa isang Pinay, ay nakakulong sa US Embassy compound.

Pinawalang-sala si Smith ng Court of Appeals matapos sabihin ng rape victim (kuno) na siya’y pinatawad na.

(Hati ang bansa tungkol sa pagkaka-convict kay Smith dahil maraming nagsasabi na kusang sumama ang “biktima” at hindi naman siya nilapastangan. But that’s another story)

Sa kaso ni Pemberton, nagkakaisa ang mga Pinoy na dapat ay maparusahan si Pemberton kung siya man ang pumatay kay Jennifer.

Nang humarap si Pemberton sa mga imbestigador ng US Naval Criminal Investigative Service (NCIS), sinabi niya, “I did something wrong.”

Si Pemberton ay miyembro ng US forces na sumali sa war games na sinalihan ng Pilipinas at Estados Unidos sa bansa.

Ang war games ay nasa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Dapat baguhin ang nakasaad sa VFA na nasa custody ng America ang mga US soldier na suspect sa isang krimen sa bansa.

Sa ngayon, kahit anong protesta ang gawin natin, hindi makukulong si Pemberton sa isang jail habang nililitis ang kanyang kaso.

At kahit na siya’y mapatunayang nagkasala ng ating korte, hindi pa rin siya makukulong habang on appeal ang kanyang conviction.

One-sided ang VFA na nilagdaan ng Philippine government with the US government.

Iba ang nilagdaang treaty ng America sa Japan tungkol sa mga tropang suspect sa krimen na nangyari sa Japan.

Ang isang US serviceman na suspect sa isang krimen na nangyari sa Japan ay kinukustodiya ng Japanese government.

Lugi tayo. Para tayong tau-tauhan ng mga Kano samantalang nakipaglaban tayo kasama ang mga Amerikano nang sakupin ang Pilipinas ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaan.
Ang dating kalaban ng America ay ginagalang ng mga Kano samantalang tayong mga Pinoy, na dati nang kaibigan ng America, ay binabastos nito.
vvv

Kung nangyari sa Olongapo City ang pagpaslang ng isang transgender o cross-dresser ng isang banyaga, hindi malayo na mangyayari ito sa Makati City.

Maraming bakla na nagsusuot ng damit babae ang naglipana sa mga kalye ng Makati na pinupuntahan ng mga foreigners.

May ilan nang mga foreigners, na lasing na lasing, ang nabiktima ng transgender na akala ng mga banyaga ay babae.

Pagdating sa kanilang tinutuluyang hotel, nadidiskubre ng mga banyaga na may “nakalawit” ang kasama nilang “babae.”

Ang mga prostitute na bading ay nasa pangangalaga raw ng ilang pulis-Makati.

May nakapagsabi sa inyong lingkod na alam ng mga Binay, na nagpapalit-palitan bilang mayor ng lungsod, ang modus operandi ng mga baklang prostitute.

Pero wala raw ginagawa ang mga Binay dahil “big business” daw ang prostitution ring ng mga transgender.

Read more...