NAPAPANSIN ko lang na hindi nawawala ang pangalan ni Papa Aljur Abrenica tuwing napag-uusapan ang pelikula ng ex girlfriend niyang si Kylie Padilla.
Siya ang palaging topic ng interviews niya. Puwede naman niyang iwasan ang isyu nila ni Aljur kung gugustuhin niya pero hindi yata niya magawa because wala naman kasing mapag-uusapan about her kundi ang nakaraan nila ni Aljur.
Kasi naman, she hasn’t left a mark sa public as an artist or what kaya dragged na dragged ang name ni Papa Aljur in all her conversations with the press.
I guess it’s grossly unfair sa nananahimik na si Aljur na may sarili ring isyu sa GMA 7. Ongoing pa rin ang pagdinig sa kaniyang kaso – ang pagpapa-rescind ng management contract nito with Artist Center na ipinagdarasal naming mauuwi sa maganda.
If he leaves or he’ll stay – ang mahalaga ay makabubuti sa both parties, di ba? Yung masaya pareho. Yung maplantsa ang anumang sigalot between them.
Natatawa ako sa mga tinuran ni Kylie about Aljur – pinalalabas niyang sising-sisi siya sa pakikipagrelasyon dati kay Aljur, na parang napakatanga niya for falling in love with him.
Ang tanong? Sino ba ang naghabol kay Aljur before? Bakit niya nagustuhan si Aljur noon? Dahil undeniably, he was the most sought-after, guwapo at sikat. And most of all ay minahal siya nang totoo.
Despite her ficklemindedness ay tumagal sila ni Aljur. She wasn’t dropped like anything. Sa totoo lang, kaya sila naghiwalay ay dahil sa kaniya, not because of Aljur.
Excuse me! Mabait lang at gentleman si Aljur kaya tumahimik siya for the longest time. Hanggang ngayon ay wala kang maririnig kay Aljur na paninira about her. He’s such a good man.
Kaya walang karapatan si Kylie na siraan ang dating kasintahan. To this day ay tahimik talaga si Aljur – whatever transpired between them ay sinarili lang ni Papa Aljur, hindi pa ba siya masaya roon? Kasi nga, pag nagsalita si Papa Aljur, anong sasabihin na naman nila – bastos ang anak-anakan namin at ungentleman?
It pains me as someone close to the man na mabasa ang mga paninira nila sa pagkatao ni Aljur gayung dumadaan dito ito sa isang malaking pagsubok sa kaniyang karera.
May kiyeme pa siyang lalo siyang sinuwerte nang maghiwalay sila ng hunk actor. Baka nakalimutan niyang kaya lalo siyang umalagwa lalo sa showbiz not just being the daughter of former action star Robin Padilla ay dahil na-link siya kay Aljur na big star sa kaniyang henerasyon.
Maaamin ba niya iyon? Siyempre hindi. Matataas kasi ang mga ihi nila kaya ganoon. Can she ever admit that na kaya siya nakilala pa dahil nadikit ang pangalan niya kay Papa Aljur?
Why can’t they just talk about her and her leading man Rayver Cruz? Kasi hindi talaga siya feel ni Rayver as a girlfriend material? Tama na yung nagkasama sila sa movie pero I can feel na di siya type ni Rayver.
And I may say too na tama ang desisyon ni Rayver na huwag siyang ligawan para wala silang masabi. Kaya siguro wala silang maisip na slant sa promo ng movie nila kungdi ang ibalik ang nakaraan nila ni Aljur.
Bokya kasi sila ni Rayver pag nilagyan ng love angle, eh. Everytime nagkakausap kami ni Papa Aljur, we don’t talk about Kylie anymore. That’s a gentleman’s gesture. Not to dwell on his past girlfriends’ issues.
Masuwerte nga si Kylie at sa dinami-dami ng babaeng umaaligid noon kay Papa Aljur ay siya ang napili. Napamahal siya sa binata, talagang ipinaglaban actually siya sa pamilya nito kaya lang, this girl has moods swings – very Padilla kumbaga.
Imagine, umabot pa nga si Papa Aljur sa puntong pinag-initan pa ni Robin noon. Tinawag ng kung anu-ano – as in nakakapikon pero nanahimik lang si Papa Aljur.
Kasi nga, mahal niya si Kylie ‘tapos eto lang ang mapapala niya sa ex-girlfriend niya? That’s unfair. Kaya dapat manahimik si Kylie – not to drug Papa Aljur sa promo ng movie niya. Please lang. Nanahimik si Aljur. As in.