NCAA Final Four

san beda TAGLAY ng  four-time defending champion San Beda Red Lions  at Arellano University Chiefs ang twice-to-beat advantage sa Final Four ng  90th NCAA men’s basketball tournament na magbubukas ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gayunman, hindi pa rin sila magpapatumpik-tumpik sa laro dahil alam nilang delikado at pursigido ang kanilang mga katunggali sa semifinal round ngayon.

Makakalaro ng Red Lions ang Perpetual Help Altas alas-2 ng hapon  at  makakasagupa ng Chiefs ang  Jose Rizal University Heavy Bombers alas-4.

Sa dalawang paghaharap sa elims ay tinalo ng  San Beda ang Perpetual kaya naman pinapaboran silang manalo ulit ngayon.

Read more...