FEU vs NU: winner-take-all

nu bulldogs
DADAGUNDONG ang Smart Araneta Coliseum umpisa alas-4 ng hapon ngayon sa huling pagtutuos ng Far Eastern University Tamaraws  at National University Bulldogs para sa kampeonato ng 77th UAAP men’s basketball tournament.

Hanap ng Tamaraws na madagdagan ng isa ang 19 na titulong nakolekta nito sa liga habang pakay ng Bulldogs na masundan ang tanging  kampeonatong nasungkit nito   noon pang 1954.

Nakauna sa best-of-three finals series ang FEU,  75-70,  pero nakabawi ang NU sa Game Two sa tambakang iskor na  62-47.
Bagama’t ang Bulldogs ang huling nanalo, hindi naman masasabing taglay na nila ang momentum dahil isang linggo na ang nakalipas nang nangyari ang huling tunggalian.

Isa lamang ang tiyak. Ang dalawang koponan ay tunay na naghanda para sa ikaw-o-ako na sagupaan na tiyak na ikasisiya ng libu-libong panatiko na sasaksi ng live sa Big Dome o tututok sa kani-kanilang telebisyon.

Sina Mike Tolomia at Mac Belo ang mga paghuhugutan ng lakas ni FEU coach Nash Racela pero dapat na kuminang din ang laro ng iba pang beterano na sina Roger Pogoy, Anthony Hargrove, Archie Inigo na nangapa sa ikalawang tagisan.

Read more...