Pokwang: Hindi ako naglilihi! Sino naman ang mambubuntis sa akin!?

pokwang
FRESH from her ratsada shooting sa Amerika, nakatsikahan namin ang komedyanteng si Pokwang sa kanyang marangyang bahay sa Antipolo.

First time naming makarating sa kanyang house at madalas nakikita lang namin sa morning show ni Kris Aquino especially her kitchen na favorite part daw ng Queen of All Media.

Pagpasok ng pinto sa bahay ni Pokie, naka-display na ang Chinese Zodiac sign na pawang mga Swarovski crystal.
Collection daw niya talaga ang mga crystal kaya every time may makikita siya abroad, buy agad siya.

Super like namin ang horse at ang isang set ng Snow White and the Seven Dwarfs crystals niya. Ang cute at talaga namang mukhang mamahalin, huh!

Tulog pa ang unica hija niya na si Mae nu’ng dumating kami sa bahay niya. Friday night umuuwi sa Antipolo si Mae from her tinutuluyang condo sa The Fort kung saan nandoon ang sosyal na culinary school na pinapasukan niya.

“Mabuti naman, masipag, awa ng Diyos. Second year na siya. Parang kailan lang na tumatakbo-takbo sa set. And now dapat na siyang mag-behave,” nanay na nanay na dialogue ni Pokie.

Nag-debut na kasi si Mae last May at super na-enjoy naman daw ng anak niya ang party, “Na-enjoy niya, napagod ako, chos! Napagod ako magbayad, chos!” pabaklang biro pang sagot sa amin ng comedienne.

Sa rami ng masasarap na pagkain na inihanda ni Pokie para  sa ilang members of the press na in-invite niya sa kanyang bonggang house, nagpaluto pa siya ng tuyo sa kanyang kasambahay.

“Na-miss ko to, e. Hindi naman ako buntis. Sino’ng magbubuntis sa akin?” Kadarating lang niya mula San Francisco, USA kung saan nag-shoot siya ng latest movie niya for TFC, ang “Edsa Woodworth” sa direksyon ni John D Lazatin.

“September ako umalis, e. Sa loob ng three weeks, nag-shooting ako nang nag-shooting sa San Francisco.” Siya si Edsa Woodworth sa movie na may dalawang kapatid.

Isa ‘yung bakla na gagampanan ni Ricci Chan at ang bunsong lalaki na si Prince na US-based Pinoy actor. “For TFC ‘to, pero baka early next year sana dito naman.

Kasi November 14 ang target ng showing sa Amerika. At kailangan umabot sa 20 years anniversary ng Star Cinema,” sabi niya.
Pagdating niya doon ay nakilala niya agad sa frist shooting day ang kanyang leading man na si LeeO’Brian, “Parang ilang buwan nagpa-screen test si Direk doon na pwedeng leading man.

Masaya, nakakatuwa kasi  napaka-professional nilang katrabaho. Nakakatuwa sila. Saka ang disiplina nila sa trabaho, iba,” diin niya.

Lee is 38 years old pero hindi masabi ni Pokie kung sinong foreign male actor ang kahawig ng kanyang leading man, “Mahusay, actually, basta guwapo siya. Hindi na masama, aarte pa ba? Ang importante doon mabait,” ngiti ni Pokie.

Until now ay may communication pa rin sila ni Lee. Ayaw namang maging “assuming” ni Pokie na  type rin siya ni Lee, “E, keep in touch. Kasi ‘di ba hindi mo masasabi? Ayoko nu’ng nagkatrabaho, pagkatapos ng trabaho wala na.

Para naman maano niya, and, gusto niyang ma-explore ang Pilipinas bilang hindi pa siya nakakapunta dito,” tsika ni Pokie.
Sayang lang dahil hindi pa napapatayuan ni Pokie ng bahay ang kanyang lupa sa sosyal na Camaia Coast sa Bataan.

Pero pwede niyang yayain doon si Lee dahil pwede namang mag-check-in sa sosyal na hotel sa Camaia ang members nila.
Plano ni Pokie na sana sa bagong  two-year contract na pinirmahan niya sa ABS-CBN ay mapatayuan na niya ng bahay ang kanyang 200 sq.m na lote sa Camaia.

Bukod dito, may ilang apartment na rin si Pokie sa Antipolo. Then, ‘yung dating bahay na nirerentahan nila sa Antipolo na napuntahan namin, e, nabili na rin pala niya. Ang kapatid na lalaki niya raw ang nakatira doon.

So, all in all, may apat na properties na si Pokie sa loob ng 10 taon niya sa showbiz. Plano niya, pagka-graduate ng anak niya ay magtatayo sila ng restaurant.

After ng TFC movie niya, haharapin naman ni Pokie ang taping para sa bago niyang teleserye sa Kapamilya network, ang Nathaniel. And then, balik US siya para sa concert tour ng “Four Da Laffs” with Chokoleit, K Brosas and Pooh.

Read more...