Napunit ang suot na walking shorts ni Kuya Kim Atienza sa live episode ng It’s Showtime ng ABS-CBN kahapon. Sa napanood naming video clip, naganap ang “wardrobe malfunction” sa “PINASikat” segment ng programa kung saan pinalakpakan ang contestant na gumamit ng sirang gulong ng sasakyan bilang hula hoop.
Pagkatapos nito, hinamon ni judge Jhong Hilario ang mga hosts ng Showtime na gawin din ang nasabin stunt. Nang tangkain itong gawin ni Kuya Kim, biglang nasira ang back pocket ng walking shorts nito kaya lumantad ang kanyang underwear.
MOST READ
LATEST STORIES