Sulat mula kay Katlyn ng Alano Street, Zamboanga City
Problema:
1. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo dahil sa kasalukuyan dalawa ang boyfriend ko at nais ko lang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang makakatuluyan ko. Sa ngayon kasi ay pareho ko silang mahal at pareho din nila akong nagagalaw. Sino po ba sa dalawang boyfriend kong ito ang mas ka-compatible ko na dapat kong makatuluyan. February 28, 1989 po ang birthday ko. Habang iyong una kong boyfriend ay sinilang noong September 2, 1988 at yong ikalawa naman po ay January 27, 1988 naman ang birthday.
2. Sana po ay mapayuhan nyo ako kung sino ang dapat kong makatuluyan sa kanila upang magkaroon ako ng isang maunlad at maligayang pag-aasawa kung sakaling mamimili na ako sa kanilang dalawa ng mapapangasawa at makakasama ko habang buhay?
Umaasa,
Katlyn ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing higit mong ka-compatible iyong lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo na may birthday na September 2, 1988. Sa piling ng nasabing lalaki makakasumpong ka ng isang masayang pamilya sa panahong ikaw ay nag-asawa na dahil ang nasabing lalaki ang siyang katugma at ka-compatible mo talaga.
Numerology:
Ang birth date mo namang 28 na may ruling planet na Sun ay nagsasabing higit mong ka-tugma ang lalaking isinilang sa petsang 2 dahil siya ay may ruling planet na Moon. Ang pagsasama ng Sun at Moon, ay siguradong magiging maligaya at habang buhay na magiging masagana.
Graphology:
Upang matiyak at siguradong mangyari ang napakagandang pag-aanalisa sa Astrolohiya at sa Numerology, mas mabuti ring imbis na ibalikwas patungong kaliwa ang huling letra ng “o” sa dulong bahagi ng iyong lagda, pasibatin mo na lang ang huling “stroke sa dulo ng letrang o” sa direksyong patungong kanan. Sa ganyang lagda, tiyak ang magaganap sa panahon ng pag-aasawa, magiging tapat ka na sa lalaking iyong mapapangaswa na hahantong sa isang masaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Huling payo at paalala:
Katlyn sundin mo lang ang mga mungkahing binanggit na sa itaas, piliin mo ang lalaking isinilang noong September 2, 1988, at sa inyong kasal gumamit kayo ng kulay na dilaw at berde ganoon din sa loob ng inyong pamamahay sa panahong kayo ay may sarili ng tahanan. Kapag nagawa mo iyan, tiyak na ang magaganap, sa iyong pag-aasawa, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, makakasumpong ka ng isang masagana, maunlad at maligayang pag-aasawa habang buhay.
Dalawa ang boyfriend (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...