Meg Imperial was so affected by the story of a little boy na nagtitinda ng pandesal na pinagnakawan. Naging viral ang video ng bata na nagtitinda sa Deparo, Caloocan City nang mai-post ito ng isang Christopher Pacheco sa Facebook.
Nanakaw ang P200 na benta ng bata ng isang mama. Kitang-kita sa video ang panginginig ng bata na na-trauma sa nangyari sa kanya.
Ang daming naawa sa bata at kung makamamatay lang ang salita nila against the thief ay malamang patay na ang mamang nagnakaw ng P200 sa bagets.
Awang-awa si Meg kaya naman sa kanyang Twitter account ay nanawagan siya kung saan makikita ang bata. “People now a days walang pinipili. If only i can see this kid i would love to help him.
Saw how scared he is. I gotta see that kid. Help him,” tweet ni Meg. Super na-touch naman kami sa gesture na ito ni Meg. Imagine, isang baguhan lamang siya pero may ginintuan pala siyang puso. Saludo kami sa ‘yo, Meg.
Anyway, nabasa namin sa Twitter account ni Meg na meron siyang Grand Fans Day sa October 19 sa Room 498, Boni Avenue, Mandaluyong. It would be great kung makakasama niya ang bata.
At sana, mas marami pa ang tumulong sa batang nagtitinda ng pandesal. It pains us to watch his video. To us, it was one of the most touching videos we saw on cyberspace.
Dapat ding pasalamatan ang nag-upload na video sa Facebook na si Christopher Pacheco who was very kind to share it sa social media para makakuha ng simpatya for the boy na naghahanap-buhay lamang pero pinagnakawan pa.
Stories like this inspire us because we once work at the tender age of 12 by selling newspapers in the streets of Makati to help our family.