HINDI pa tapos ang panggugulat ng national U-17 girls team sa 10th Asian Youth Girls Volleyball Championship sa MCC Hall Convention Center sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Matapos silatin ang Australia sa limang sets noong Sabado, ipinakita ng koponang hawak ni Jerry Yee na palaban sila sa kampeonato nang pabagsakin ang sixth seed India, 19-25, 25-11, 25-20, 25-22, kahapon para makatiyak na ng puwesto sa quarterfinals mula sa Pool C.
Wawakasan ang preliminary round ngayon at kalaro ng Pilipinas ang number two seed China para sa pangunguna sa grupo.
Ang dalawang panalo ang pinakamaraming nakuha ng isang pambansang koponan na sumali sa naunang limang edisyon.
MOST READ
LATEST STORIES