Paolo lalayasan ang Eat Bulaga kapalit ng career sa Hollywood

paolo balesteros
Kung si Anne ay naghahangad pa lang na mapansin ng Hollywood dahil sa “Blood Ransom”, aba’y ibahin naman natin si Paolo Ballesteros.

Mismong mga taga-Hollywood na ang pumansin sa kanyang talent at skill sa pagme-make-up at panggagaya sa mga sikat na celebrities worldwide.

Ilang international magazines na ang nagbigay ng special mention sa kanya kasama na dito ang Cosmopolitan na inilarawan pa siyang “multi-talented” dahil ang tunay naman daw palang karir ni Paolo ay ang pagiging TV host at hobby lang na matatawag ang talent niya sa make-up transformation.

Last weekend, mismong si Tyra Banks ang nagpost ng message sa kanyang socila media account, commending Paolo’s talent.
Ang latest naming narinig kapatid na Ervin ay may mga nakatakda ng interviews at showcase si Paolo sa mga kilalang shows abroad.

At kung seryoso nga itong kakaririn ng aktor-host, walang dudang mas madali nitong mapi-penetrate ang Hollywood scene! Talbog! Ang tanong, keri kayang iwan ni Paolo ang Eat Bulaga at ang Pilipinas para sa isang mas bonggang international career?

Read more...