HAYAN, may bago na namang tapatan at pasiklaban sina Marian Rivera at Heart Evangelista. At least sa nabasa naming mga puna ng followers and bashers nila sa social media, nagkakaisa ang lahat na hamak na mas may saysay at may kabuluhan ang kanilang pabonggahan ngayon kumpara sa mga previous posts nila.
“Advocacy kung advocacy talaga. Nakasisiguro tayong may direktang matutulungan ang kanilang pagyayabangan sa social media,” komento ng isa.
Si Marian ay nagtataguyod ng bagong advocacy niya – ang pagpapaopera ng mga batang may cleft lip o palate sa tulong ng Smile Train. Si Heart naman ay gustong isulong ang awareness campaign sa sakit na Thalassemia.
Isa itong blood disorder na nauuwi sa anemia kapag hindi nagamot. Nagkaroon kasi ng engkuwentro si Heart sa isang batang pasyente na may ganitong kundisyon noong 2010, and this time, nais niya itong gawing personal na krusada para makatulong.
O di ba, bongga ang kanilang paistaran kapatid na Ervin. Imbes ngang magpasikatan sa mga wedding preparations nila at ibang mga pasosyal na bagay, mas makabuluhan nga naman ang bago nilang advocacies sa buhay!