Horoscope, October 13, 2014

Para sa may kaarawan, Simulan ang araw sa pagsisimba. Sa ganyang paraan sa buong isang linggo may sopresang matatanggap, na ikagagalak ng puso. Isang nakakikilig na regalo mula sa isang Aquarius ang matatanggap. Sa pinansayal tuloy ang agos ng pera papalabas, – magtipid!  Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva.” Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—  Wag makisawsaw sa usapan na iba, may babala na dahil sa pakiki-alam sa buhay ng iba, mapapa-away ka na naman. Sa pinansyal at pag-ibig, imbis na atupagin ang pakikipag-tsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya. Mapalad ang 3, 9, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dema-Om.” Orange at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—  Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—  May kakaibang sigla na kukubabaw sa iyo, lagi ituon ang isip at lakas sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig mamayang gabi kakaibang ligaya na naman ang maipagkakaloob sa mahilig na Libra.  Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Sa negosyo ang payapang isip ang magbibigay ng dagdag na income. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” White at silver ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—  Iwasan ang maling relasyon, sa halip ang mas mabuting pagka-abalahan sa panahon ngayon ay ang mga bagay na may kaugnayan sa pera. Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Gold at pink ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi mauubos ang salapi, matutong mamigay! Sa pag-ibig, regaluhan ng bagong unit ng cell phone ang kasuyo. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Yellow at gray ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Lubhang magiging mapalad ang araw na ito kung magsusuot ng dilaw. Sa kulay na dilaw makakatangap ka ng dagdag na salapi at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 10, 27, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Bukod sa dilaw ang red ay buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Maiiwasan ang pagkakasakit kung laging kakain ng sariwang gulay at prutas. Kapag malakas ang iyong katawan mas lalong bibilis ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag pamasahe. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Pink at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ng mag hanap ng kung ano-anong bagay, makuntento na sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa butil at sa pagkain may kaugnayan sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 3, 12, 18, 28, 33, at 42. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.”  Red at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang makilahok sa lipunan at politika. Kapag nagpakawala ng mehora at materyal na bagay ang mga politico kailangang isa ka sa dapat makinabang. Sa pag-ibig, anoman ang iyong matanggap partihan ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 8, 14, 16, 25, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Silver at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Tama ang naisip mong mag-bago ng kapaligiran. Baguhin mo narin ang style ng iyong buhok. Sa malawakang pagbabago, higit kang liligaya at uunlad. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Balikan ang mga fairy tales na kuwento ng iyong buhay, dahil ito ang magpapasigla ng iyong espirito. Sa pagiging isip bata at inosente, mas uunlad at mas magiging maligaya ang buhay. Sa pag-ibig yayain ang kasuyo na mag laro kayo ng bahay-bahayan. Mahiwaga mong mantra: “Yasoda-Yama-Om.” Violet at orange ang buenas.

Read more...