Gusto naming makita si Mary Christine Jolly na habang nagsasalita ay walang suot na pagkaitim-itim na shades. Mas magandang makakita ng isang taong nakikipaglaban na walang takip ang mga mata.
May kasabihan tayo na ang mga mata natin ang bintana ng ating kaluluwa, kaya gusto naming makisilip sa nilalaman ng kalooban ni Mary Christine Jolly, sana’y mapanood namin siya isang araw na walang suot na dark shades.
Sa korte ay ipinahuhubad ng huwes ang shades ng nagdedemanda at nasasakdal, ganu’n din ang sombrero bilang respeto sa husgado, mahalagang nakikita ng judge ang mga mata ng mga naglalaban sa kaso tuwing hearing.
Sana’y magtanggal ng dark shades ang babaeng nagdedemanda ngayon kay Derek Ramsay. Nakakailang siyang panoorin na habang salita nang salita nang laban sa hunk actor ay meron namang pader sa pagitan niya at ng tagapanood.
Ingles pa naman siya nang Ingles, du’n pa lang ay may harang na para makatawid siya sa publiko, magsusuot pa siya ng dark shades na hindi mo alam kung sinsero ba ang kanyang mga sinasabi?
Kasong concubinage ang ikalawang kasong ihinain ng babae laban kay Derek Ramsay, damay sa asunto si Angelica Panganiban, biglang sumulpot ang nasabing kaso pagkatapos hindi makipagkasundo at sumang-ayon ang hunk actor sa gustong mangyari ni Mary Christine Jolly.