Bashers sa relasyong Luis-Angel: Nakakadiri kayo!

By Alex Brosas October 12,2014
share this

Bashers sa relasyong Luis-Angel: Nakakadiri kayo!

By Alex Brosas October 12,2014
share this

luis manzano
NAPIKON si Luis Manzano sa isang Instagram follower ni Angel Locsin who commented on a photo na magkasama ang magdyowa while inside a gym.

“Ur so beautiful and yet simple & humble. This proves that opposite (ugly & arrogant) attracts lol!” the follower commented.
Kaagad naman sumagot si Luis nang maanghang na, “You should have been wiped off on some tissue instead.”

Ang daming na-turn off sa naging sagot ni Luis base na rin sa comments na aming nabasa sa isang very popular website.
“Lagot ka Angel pag dating ng araw magiging ala Claudine rin buhay mo! Si Phil kahit anong bashing ginagawa ng mga fantards sa kanya di pumapatol sa away at magalang pa rin and very polite sumagot.

Etong si Luis kunwari mabait pero palaaway. Diba nga nung nagtweet si Angel dati ng ‘Dear Ex..’ patungkol sa kanya sabi ni Angel inaaway siya ni Luis,” said one fan.

Meron namang nanlait sa relasyon nina Luis at Angel and said, “Sus! Nakakadiri din tong relasyon na to eh. Ang asong lumamon ng tira eh nasuka. Nang uminom ng tubig biglang kinain ung sinuka.

Angel-Luis love story, bow.” “Hay Luis when will you  ever learn? Stop being patola na. The more na sinasagot ang mga ‘yan, the more na mas lalo silang natutuwang mang-asar,” say naman ng isa pang follower ng couple.

One guy defended the son of Vilma Santos and Edu Manzano at sinabing, “He’s not making patol, some people don’t understand or don’t really know Luis. He’ actually having fun replying to those bashers.

Lagi na lang bang katwiran na artista sila dapat di sila pumapatol. Mali naman ‘yun. May mga damdamin din silang nasasaktan.” Napapansin lang namin, masyadong balat-sibuyas itong si Luis.

Lahat na lang ay pinapatulan niya. Basta merong nag-comment na against sa kanya ay matitiyak mong kaagad niya itong sasagutin sarcastically. ‘Yun na yata ang nature niya, eh.

Okay naman kung mapagpatol naman siya talaga. Ang kaso, mapupulaan siya dahil artista siya. Siyempre, magiging nega ang dating niya sa followers niya at maging sa mga tagasubaybay ni Angel.

And mind you, talagang maanghang kung magbitaw ng salita sa social media si Luis kaya naman siguro madalas ay arogante ang kanyang dating.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending