Pressured si John Lapus sa performance niya bilang Beki Pamintuan again sa “Moron 5.2” kung saan kasama niya sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Matteo Guidicelli, DJ Durano at Billy Crawford.
Napakaganda raw kasi ng review sa kanya ng mga critic sa unang “Moron 5” directed by Wenn Deramas mula sa Viva Films.
“Modesty aside, nakita ninyo naman ang mga review sa akin sa part 1, napaka-flattering.
Ako na ‘yung nahihiya. May ibang sumulat na ako lang daw ang papanoorin doon, mga ganoon. Kaya may pressure, e, kasi ginalingan ko raw masyado sa part 1.
So, mas mataas ang expectation nila sa akin dito sa part 2,” lahad ni John sa presscon ng “Moron 5.2”. Nag-dub na raw si John for “Moron 5.2” at naka-deliver naman daw siya.
“I hope magustuhan ulit ng mga critic ang performance ko,” dasal niya. Bukod sa movie at ibang karaketan, makakasama rin si Sweet sa Wansapanataym special ni Kathryn Bernardo next month.
Yes, ka Ervin! You read it write. Kathryn lang at walang Daniel Padilla. “Baka ita-try naman nila na si Kathryn lang this time,” ngiti ni John.
Hmmm…hindi kaya sign na ‘to nang nalalapit na pagtahak sa kani-kanilang career path ang Kathniel loveteam?