Hindi na virgin (2)

Sulat mula kay Lorena ng Molugan, El Salvador, Misamis Oriental
Problema:
1. May boyfriend po ako sa ngayon at nag-aaya na siyang magpakasal. Ang sabi nya sa akin ay magpa-civil wedding na daw kami sa sa darating na December. Ang problema hindi po niya alam na hindi na ako virgin. Biktima po kasi ako ng rape noong nasa probinsya pa ako ng sariili kong tiyuhin. Natatakot po akong ipagtapat sa kanya ito kasi baka bigla nya akong iwanan.
2.  Itatanong ko lang po kung kahit kaya malaman ng kasalukuyan kong boyfriend na hindi na ako virgin, matutuloy pa rin kaya ang kasal naming? Hindi kaya magbago ang isip niya? Sa palagay n’yo ang kasalukuyan ko na po bang boyfriend ang makakasama ko ng habang buhay sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya? April 13, 1989 ang birthday ko at December 18, 1987 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Lorena ng Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang boyfriend mo ang nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo, dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong fire o apoy. Ibig sabihin ano’t-anuman ang mangyari, malaman niya man o hindi niya malaan na hindi ka na virgin, hindi na magbabago ang init at tindi ng inyong relasyon, sa buwan ng Disyembre, walang duda matutuloy ang inyong kasal at habang buhay ka ng magiging maligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 13 at 19 naman ang boyfriend mo ay tugma rin at compatible sa isa’t-isa, dahil kapwa kayo pinaghaharian ng planteang Uranus-Sun. Kapag kayo ang nagkatuluyan, tiyak na susuwertehin at pagpapalain ang inyong samahan.
Graphology:
Hindi naman nababoy o naburara ang iyong lagda, sa halip, pagdating sa gitna hanggang dulong bahagi ng iyong pirma, lalo pa itong naayos at gumanda. Ibig sabihin habang nagkaka-edad ka, tulad ng nanyayrai sa kasalukuyan lalo pang gaganda at magiging maligaya ang iyong karansan.
Luscher Color Test:
Upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran sa araw ng kasal o kung sakaling kung sakaling magsasarili na kayo, panatiliin ang paggamit ng kulay na pink at yellow ang nasabing kulay ang lalo pang magdadala sa inyong mag-asawa ng dagadag na buwenas habang patuloy kayong nagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Lorena, wala ka namang problema sa ngayon, dahil kahit na ipagtapat o hindi mo ipagtapat sa boyfriend mo ang iyong nakaraan, hindi naman makaka-apekto iyon sa nalalapit ninyong kasal. Tulad ng nasabi na, malaman man o hindi ng boyfriend mo na hindi ka na virgin, hindi na magbabago pa ang pagmamahal niya sa iyo, hindi na rin mabubura ang nakatakda — ang inyong relasyon ay hahantong sa isang masagana at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Read more...