Pinas sasalang na sa Asian Youth Volley

SISIMULAN ngayon ng national U-17 girls volleyball team ang kampanya sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Youth Girls U-17 Championship sa pagharap sa matatangkad na Australian team sa MCC Hall Convention Center sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nasa Pool C ang Pilipinas kasama ang India at China at kailangang tumapos ang ipinadalang koponan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na gagabayan ni coach Jerry Yee sa unang dalawang puwesto para pumasok sa quarterfinals.

May mga tumutulong sa scouting ng koponan sa Australia kaya’t  may alam sila sa lakas at kahinaan ng makakaharap na koponan. “Mas maliit tayo pero mas mabibilis at ito ang kailangang gamitin natin,” wika ni Yee.

Bukas ay kalaban ng Pilipinas ang India na sixth seed sa torneo at sa Lunes ay ang China na pumangalawa sa Japan sa huling edisyon.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na sumali ang Pilipinas sa kompetisyon at balak maulit ang pagpasok ng koponan sa quarterfinals na nangyari noong 2005 at 2008 na parehong ginawa sa bansa.

Read more...