Jennylyn: Masaya naman ako kahit walang lovelife!

jennylyn mercado
CHOICE ng Kapuso singer-actress na si Jennylyn Mercado na manatiling single hanggang ngayon, ilang taon na rin siyang walang lovelife matapos ang napurnada nilang relasyon ni Luis Manzano.

Nakachika ng ilang members ng entertainment media si Jennylyn sa pocket presscon ng bago niyang album under GMA Records, ang “Never Alone” kamakailan, at dito nga niya sinabi na until now ay wala pa rin siyang boyfriend.

“Wala talaga, tsaka mas gusto ko na rin ito. Kasi, siguro ito na yung tamang panahon para mag-focus naman ako sa sarili ko, sa trabaho ko.

And I enjoy being single, marami akong nagagawa ngayon, nabibigyan ko ng enough time ang anak ko, ang pamilya ko, athlete din ako, tapos may movie, may bagong teleserye and ito nga, may bagong album.

“At feeling ko, hindi ko magagawa lahat ‘yan nang sabay-sabay kung meron akong boyfriend. So okay lang kahit walang lovelife, happy naman ako sa buhay ko,” chika sa amin ni Jen.

Muli tinanong ang singer-actress kung totoong nagkabalikan sila ni Dennis Trillo dahil palagi raw silang nakikitang magkasama, pero sabi ni Jennylyn, wala itong katotohanan.

Minsan lang daw silang nagkita, sa isang gym, at aksidente lang daw ‘yun. Magkaibigan naman daw sila ni Dennis at wala siyang nakikitang masama kung magkita man sila.

Tungkol naman sa ex-dyowa niyang si Luis Manzano na nakipagbalikan naman sa ex-GF nitong si Angel Locsin, inamin niyang hindi pa sila nagkakausap ng TV host-actor.

Gusto ba niyang personal na kausapin ang binata para magkaroon ng closure ang break-up nila? “Hindi na! Okay na yun, maliit na bagay lang naman. Forgive and forget na lang.” Sinabi rin ni Jen na wala siyang galit kay Angel.

Ano naman ang naging reaksiyon niya nang makarating sa kanya ang balitang engaged na ang tatay ng anak niyang si Jazz na si Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend nito? “Okay lang. Okay na naman kami, e.

Kung mapapansin niyo yung mga posts ko, ‘di ba, sa Instagram, kami ni Nikka (Martinez, fiancée ni Patrick) o yung anak nila at si Jazz, lagi silang magkasama. Lagi nilang dinadalaw si Jazz sa bahay, kaya happy ako, happy ako talaga.”

Anyway, malaking tulong daw kay Jennylyn ang mga past experiences niya sa love sa pagbuo ng latest album niyang “Never Again” kung saan kasama ang version niya ng favorite naming “Till My Heartaches End” ni Ella Mae Saison.

Ang ilan pang tracks sa album ay ang “Abot Langit,” “Basta’t Nandito Ka” (carrier single) at ang “Never Alone.” May duet din sila dito ni Dennis Trillo, ang “After All” at ang duet nila ni Janno Gibbs na “Never Gonna Let You Go”.

Ang iba pang OPM song na nasa latest album ni Jen ay ang “Sa Hatinggabi,” (theme song ng teleserye niyang Rhodora X) at “Kaya Ko Na,” (isa naman sa mga theme song ng GMA series na My Destiny).

Available na ang “Never Alone” sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music & Video, The Landmark, and SM Music and Video record outlets at sa digital format via iTunes, Amazon, Spotify, and Deezer.

Read more...