Sulat mula kay Lorena ng Molugan, El Salvador, Misamis Oriental Dear Sir Greenfield, May boyfriend po ako sa ngayon at nag-aaya na siyang magpakasal. Ang sabi niya sa akin ay magpa-civil wedding na daw kami sa sa darating na December. Ang problema ay hindi po niya alam na hindi na ako virgin. Biktima po kasi ako ng rape ng sarili kong tiyuhin noong nasa probinsya pa ako. Natatakot po akong ipagtapat sa kanya ito kasi baka bigla niya akong iwanan. Itatanong ko lang po kung kahit kaya malaman ng kasalukuyan kong boyfriend na hindi na ako virgin, matutuloy pa rin kaya ang kasal namin? Hindi kaya magbago ang isip niya? Sa palagay n’yo ang kasalukuyan ko na bang boyfriend ang makakasama ko ng habang buhay sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya? April 13, 1989 ang birthday ko at December 19, 1987 naman ang boyfriend ko. Umaasa, Lorena ng Misamis Oriental Solusyon/Analysis: Palmistry: Maayos at maganda naman ang kaisa-isang Marriage Line (Illustratijn 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay maliwanag na tanda na kung sino ang unang boyfriend mo ng seryoso at totohanan, walang duda na ang boyfriend mo na ring ito ang iyong makakatuluyan at makakasama habang buhay, virgin ka man o hindi. Cartomancy: Jack of Clubs, Ace of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing tapat sa iyo ang kasalukuyan mong boyfriend, kung saan, hindi lang virginity mo ang mahalaga – kundi ikaw. Ibig sabihin, mahal na mahal ka ng kasalukuyan mong boyfriend kaya wala kang dapat ipagalala. Tulad ng nasabi na, kahit hindi ka na virgin, tiyak ang magaganap—matutuloy ang inyong kasal sa darating na December. Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
