ANGEL, inaway-away sa TWITTER

Pagkatapos ipagtatanggol ang mga Azkals

NAG-REACT si Angel Locsin sa maaanghang na pahayag ni Arnold Clavio sa kanyang radio show patungkol sa pagkakasangkot ng dalawang Azkals players sa sexual harassment case.

“Hindi naman kayo Filipino. Nagpapanggap lang kayong kayumanggi.

Hindi kayo dito lumaki, mahirap ‘yun. Insensitive,” sunud-sunod na pahayag ni Arnold na ang tinutukoy ay ang mga Azkals.

Not surprisingly, na-hurt siyempre itong si Angel na sinasabing karelasyon ni Phil Younghusband.

Through Twitter ay hindi napigilan ni Angel na ipahayag ang kanyang damdamin sa sarcastic remark ni Arnold.

“I think arnold clavio’s a good person. But this time, sobrang foul lang. That’s his opinion.

This is mine. Madali lang sumira ng reputasyon, mahirap ibalik. Konting sensitivity lang sana,” tweet ni Angel.

Nag-react din si Angel sa tweet ng isang shielamar_08 na halatang kampi kay Arnold, “Para sakin may point naman si arnold clavio.

Dapat turuan na ng leksiyon ang mga azkals! @143redangel sikat sila oo, pero di tama mambastos!” say ni Shiela Marie Cam.

“Hindi naman po isang tao lang ang azkals.

At hindi naman po yung issue yung pagiging pinoy nila.

Unfair po yun,” esplika naman ni Angel, bagay na sinang-ayunan naman ni 42eligon who posted this message: “@143redangel Agree on this.

He offended not only the Azkals players but the majority of us Pinoys whose blood is not pure, at least for him.

He should apologize and perhaps be reprimanded for his lack of tact. Nasa media pa naman sha.”

Isang Marichu Rotor naman ang nagsabing, “Foul kasi kasama bf mo but you have to put yourself dun sa babae….this not the first time na may ganitong issue ang azkals.” na sinagot naman ni Angel ng, “Hindi naman po isang tao lang ang azkals.”

Kumampi naman ang isang follower named Akosiram kay Marichu at sinabing, “Tama po kau miss marichu! Hnd mrunong mgisip ng tama yang c Angel! Pra s kababaihan un! d kb babae?”

Obviously pissed off, Angel in retaliation to Akosiram posted, “Kung para sa kabutihan ng kababaihan ang paguusapan, wag mo kong huhusgahan.”

Nauna nang humingi ng paumanhin si Arnold  sa mga naging statement niya about Azkals pero aniya naninindigan siya sa kanyang stand about the sexual harassment case na kinasasangkutan ng mga Azkals.

Read more...