DEREK RAMSAY AT ANGELICA PANGANIBAN
Mukhang hindi naman apektado si Angelica Panganiban sa pagkaladkad sa kanyang pangalan ng asawa ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly na nagsampa ng kasong concubinage sa kanila ni Derek.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post pa siya ng happy moment photo nila ni John Lloyd Cruz with the caption, “This is us happy. God be with you.”
Kampante siguro si Angelica na wala siyang kasalanan sa nangyari all because she was made to believe na binata si Derek at walang sabit. It was too late na nang malaman niyang kasal pala si Derek.
Itinago nito ng anim na taon ang tunay na estado niya. To begin with, he didn’t have balls to admit to Angelica noong nililigawan pa lang niya ito, na married na siya.
Kahapon, nag-sorry naman si Derek sa kanyang ex-GF sa pamamagitan ng social media, hiyang-hiya raw siya sa Kapamilya actress dahil sa pagkakadamay nito sa kanyang kaso, “I would like to apologize to Angel, her family and all her fans for what’s happening right now. I assure you hindi ko siya papabayaan.”
Actually, ang lahat ng kasalanan ay na kay Derek. Pinaniwala niya ang nakarelasyon niya na single pa siya all because his career would be ruined kapag nalaman ng publiko na meron na siyang asawa. All through his acting career ay pinaniwala niya ang fans na single siya.
Now, a photo has surfaced sa Fashion Pulis where a girl, believed to be Mary Christine Jolly, was seen kissing an unnamed guy.
Where did the photo come from? Ano ba ang purpose ng paglabas ng photo? Para sabihin kay Mary Christine na “look who’s talking?”
Easily, sirang-sira na si Derek sa mga naglabasang statement ni Mary Christine. Nawala na ang kumpiyansa sa kanya ng kanyang network as reportedly, he was scolded for getting involved in a controversy. Nabahiran ang kanyang malinis na imahe.
It took Derek all of eight years to admit na anak nga niya ang baby ni Mary Christine. Imagine, he had to resort to DNA test just to prove his paternity.
Ang feeling namin, nakakainsulto ang DNA test sa mga babae. Ang ibig lang sabihin, walang tiwala ang lalaki na sila ang ama ng ipinagbubuntis ng dyowa nila. At kapag na-prove na tama ang DNA test at sila nga ang ama ay saka lang sila aamin na anak nga nila ‘yun. How degrading cheap, ‘di ba?