Kaye Abad: Gusto ko na ring magka-baby!

KAYE ABAD

KAYE ABAD

GUSTO na ring magka-baby ng aktres na si Kaye Abad, hindi na rin daw kasi siya bumabata at baka mahirapan na siyang magbuntis kapag medyo nagkaedad na siya.

“Oo, gusto ko na rin. Pero mukhang hindi pa ‘yan mangyayari ngayon, kasi naiisip ko…isipin niyo kung magkakaanak ako next year, hindi ba ang tanda ko na kung magte-10 years old na siya,” pahayag ni Kaye sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Pinoy version ng hit Koreanovelang Two Wives kung saan makakasama niya sina Jason Abalos at Erich Gonzales.

Okay lang ba sa kanya na magkaroon sila ng baby ng boyfriend niyang aktor na si Paul Jake Castillo nang hindi pa sila kasal?

“Hindi natin alam ha, pero hindi natin masasabi kasi ang tanda ko na nga. Parang kailangan na. Pero hindi naman ako nagmamadali. In God’s time pa din ‘yan kung ibibigay niya para sa akin tatanggapin ko naman ‘yon.”

At siyempre, umaasa rin siya na sa kasalan din mauuwi ang relasyon nila ni Paul Jake, ang ex-BF ni Melissa Ricks, “Unang una hindi ko siya ibo-boyfrind kung hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanya.”

Samantala, masaya raw si Kaye para sa ex-boyfriend niyang si Chito Miranda na malapit na ring ikasal sa aktres na si Neri Naig.

Ayon kay Kaye, natutuwa siya dahil nanatili silang magkaibigan ng Parokya Ni Edgar vocalist matapos silang magkahiwalay ilang taon na rin ang nakalilipas.

Bilib din siya sa magdyowa dahil nalampasan nila ang isa sa matitinding pagsubok na dumating sa buhay nila – ito nga ‘yung pagkalat ng kanilang sex video last year.

“Masaya ako for them na finally. ‘Yun ang lagi kong sinasabi na masaya ako na they deserve a happy ending talaga na sa lahat nang pinagdaanan nila. Finally eto na, happy ending sila. So masaya ako for them,” ani Kaye na for the first time matapos ang maraming taon ay magbibida na sa bagong primetime series ng ABS, ito ngang Two Wives.

Magsisimula na sa Lunes, Oct. 13 ang Two Wives at tulad nga ng teaser ng serye, “paano kung ang mistress ay magiging legal na asawa, at ang legal na asawa ay magiging mistress?” Sounds, exciting, di ba? Pagbibidahan nga ito nina Kaye na gaganap bilang si Yvonne, ang legal na asawa ni Victor na gagampanan ni Jason Abalos, na babayaran naman ng dalagang ina na si Janine played by Erich Gonzales para maging tatay ng kanyang anak.

Ang Two Wives ay hango sa Koreanovelang isa sa mga nauna at matapang na humarap sa napapanahong usapin ng pagtataksil na sinubaybayan ng maraming manonood noong 2012. Huwag palampasin ang Two Wives simula sa Lunes, pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN, sa direksiyon ni FM Reyes. Ito ang papalit sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na matatapos na tonight.

Read more...