Yasmien: Tagumpay ang operasyon! | Bandera

Yasmien: Tagumpay ang operasyon!

Ervin Santiago - October 10, 2014 - 03:00 AM

YASMIEN KURDI

YASMIEN KURDI

Tagumpay ang operasyon sa lalamunan ni Yasmien Kurdi. Ito ang kinumpirma ng aktres sa presscon ng bago niyang afternoon teleserye sa GMA 7, ang Yagit kung saan gaganap siyang isang GRO na nagkaroon ng anak sa pagkadalaga. Magsisimula na ito sa darating na Lunes pagkatapos ng The Half Sisters.

Kung matatandaan nagkaroon ng cyst sa vocal chords si Yasmien kaya nahihirapan siyang magsalita, “Successful naman po yung operation. Okey na po ang boses ko. Sa tulong po ng Artist Center, nagsasagawa po ako ng voice modulation workshop therapy. Every week po ‘yon, every Thursday po. Isa po ‘yon sa sinabi ng doctor ko sa akin na magkaroon ng voice therapy dahil mali daw po ang gamit ng boses ko.

“Mali po yung tono, kailangan daw medyo mataas ang modulation ng boses ko sa pagsasabi ng mga salita. Kasi minsan, hindi raw sumasakto yung voice range ko kaya nagkakaroon ng mga cyst.

“After nu’ng operation, talagang one month po na hindi ako puwedeng magsalita, hirap na hirap po ako. Kasi hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Ngayon bawal po yung mag-ehem, kailangan lulunok lang. Bawal po yung nagsisigaw o masyadong malakas ang boses. Kailangan galing lahat sa diaphragm. At saka laging magmu-modulate ng voice bago mag-start kumanta,” paliwanag pa ni Yasmien.

Tungkol naman sa Yagit, ito na raw ang pinaka-challenging na role na ginampanan ni Yasmien, first time niyang maging GRO/club dancer sa isang serye, “Actually, medyo nakakatawa lang siya nu’ng ginagawa ko siya. I was having fun, nai-enjoy ko yung role ko. Tinuruan po ako kung paano maging seductive na ganu’n sa eksena. At first lang, nakaka-shock kasi nu’ng sumayaw nga ako, ang daming guys.

“Punumpuno ng mga lalaki sa buong paligid, sa isang bar sa Timog kinunan yung scene. Nakaka-tense, pero ano naman po, okey lang. Malakas naman po ang ilaw so deadma lang, parang bahala kayo sa buhay ninyo!” chika pa ng Kapuso actress.

Gaganap naman bilang mga batang yagit ang mga bagong child wonder ng GMA na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla na siyang magbibigay-buhay muli sa mga classic character ng serye na sina Eliza, Ding, Jocelyn at Tomtom.

Kasama rin dito sina James Blanco, LJ Reyes, Renz Fernandez, Kevin Santos, Wowie de Guzman, Rich Asuncion, Frank Magalona Ina Feleo, Maricris Garcia, Raquel Villavicencio at marami pang iba, sa direksiyon ni Gina Alajar. Tutukan ang pagsisimula ng Yagit sa Lunes, sa GMA Afternoon Prime lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending