Piolo ayaw pakasal sa Pinas: Mas gusto ko sa ibang Bansa!

piolo
KUNG si Piolo Pascual ang masusunod, mas gusto niyang magpakasal sa ibang bansa kesa dito sa Pilipinas. Sa presscon ng “Sunpiology: An Adventure-Filled RUN With The Stars” na joint project ng Sunlife at Star Magic kasama ang foundation ni Piolo, sinabi ng Kapamilya actor na mas magiging intimate at tahimik ang kanyang wedding kung sa ibang bansa ito gaganapin.

“I just don’t want it public. Parang for me, my life has been so public all my life, more than half of my life. If and when that happens parang magiging selfish muna ako at sasarilinin ko muna yon.

Pero lalabas at lalabas naman ‘yun,” paliwanag ni PJ. Dagdag pa niya, “Siguro parang even when I get married mas gusto kong ikasal sa ibang bansa. I think I owe it to myself.”

Pero muling ipinagdiinan ng aktor na hindi siya magpapakasal hangga’t wala pang 18 years old ang kanyang anak na si Iñigo. Gusto niyang tuparin ang pangako niya sa bagets na mananatiling single hanggang next year pagkatapos ng birthday ni Iñigo.

Tinanong din si Piolo kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng anak na hindi naman daw ito makikialam sa lovelife niya kung sakaling magdesisyon na itong mag-asawa, “Aba dapat. Siyempre at the end of the day I’m still his my father.

It’s still my choice. Ang agreement naman  when he’s 18 pwede na. “I kinda broke his heart before because I promised him something and I didn’t do it. So after that, I said I’m keeping my word up until your 18.

That’s the only time I’ll get into a relationship so I’m keeping my word. So, whoever I choose when the time comes nasa akin na ‘yon. Hindi naman siya ang makikisama,” pahayag pa ni Piolo na umaming excited na rin siya sa pagkakaroon ng bagong girlfriend.

Samantala, hinikayat ni Piolo ang lahat ng mahilig tumakbo na sumali na sa Sunpiology Fun Run sa Nov. 15 sa Bonifacio Global City, (simula 3 p.m.) hindi raw kasi ito basta fun run lang dahil this time, ginawa nila itong  mas interactive.

“For this year, the race is more than just a usual fun run and a dash to the finish line. This race will let you conquer the elements of nature with mazes and crawls.

The surprises are inspired by the earth, wind, water and fire,” ani PJ. Mala-“Indiana Jones” daw ang mangyayari sa fun run na ito dahil sa pagdaraanang “challenges” ng mga runners.

Siniguro naman ng Star Magic na sandamakmak na Kapamilya stars muli ang makiki-join sa event na ito, tulad nina Rayver Cruz, Ejay Falcon, Joem Bascon, Jessy Mendiola, Matteo Guidicelli, ang mga PBB All In housemates at marami pang iba.

“Every year, the Sunpiology event raise funds for the Hebreo Foundation and some Star Magic charities. It becomes more meaningful because we get to see how much we are helping the lives of our beneficiaries,” ayon pa kay Piolo.

Kabilang na nga riyan ang mga kapuspalad nating mga kababayan na pinag-aaral ng foundation ni PJ. Para sa mga interesadong runners, log on lang kayo sa www.sunpiology.com, hanggang sa Nov. 12 na lang ang registration.

Organized this year by RunRio, ang Sunpiology fun run ay suportado ng Philippine Daily Inquirer, JM Squared, Cinema One, Star Studio, Gatorade, Purefoods Sexy Chix at Timex.

Read more...