MARIING idinenay ni Rhian Ramos na may relasyon sila ni KC Montero pati na rin ng anak ni Sen. Ping Lacson na si Jeric Lacson.
Nagtataka si Rhian kung saan nanggaling ang mga nasabing chika at nahihiya nga raw siya sa mga taong inili-link sa kanya.
“Saan kaya nagsisimula ‘yun? Saan kaya nanggagaling? Wala akong idine-date ngayon.
“At saka gusto ko na ring mag-sorry kina KC at Jec (Jeric) kasi hindi naman sila dapat isinasali pa sa mga ganoong klase ng hassle.
Pero kahit pinag-uusapan sila, mananatili pa rin sila na mga kaibigan ko. So thankful ako,” paliwanag ni Rhian.
Say ng leading lady ni Aljur Abrenica sa pelikulang “My Kontrabida Girl” ng GMA FIlms na showing na nga ngayon sa mga sinehan, mas hiyang-hiya siya kay Jeric dahil hindi naman daw ito taga-showbiz.
“Sa dami ng ginagawang tsismis tungkol sa kanya, surprise ako na nandoon pa rin siya.
Sinusuportahan niya ako saka kaibigan ko pa rin siya.
Hindi naman sa tagal yung sukatan ng friendship namin, pero mabuti kasi siyang tao. Ka-church ko siya,” chika pa ni Rhian.
Grabe, as in grabe ang mga kinasangkutang kontrobersiya at problema ni Rhian nitong mga nagdaang buwan, pero hanga kami sa kanyang katapangan.
“Oo nga, e. Pero ang dami ko ring natutunan, lalo na kung ano yung importante sa buhay mo.
Kung ano yung pina-prioritize, lalo na sa point na ito sa buhay ko.
At saka ano, parang feeling ko, sinadya na ginawa ni Lord ‘yon para…paano ko ba ito sasabihin?
Siguro God wants me to be in the right place, be with the right people, yung ganoon.
“So, kapag hindi tama, inilalayo Niya ako.
Kung hindi pa naman ako natuto, ewan ko na lang!” say pa ng Kapuso actress.
Nauna nang sinabi ni Rhian na hindi na siya natatakot sa ex-boyfriend niyang si Mo Twister, at handa na niya itong harapin kung magkikita man sila sa korte kaugnay ng mga kasong isinampa niya laban rito.
“The most confrontation na ginagawa ko ngayon, talagang kahit mahirap, hinaharap ko pa rin.
And it’s difficult to go to court for example, hassle siya, pero kailangang gawin,” matapang nitong pahayag.