Matapang na nagsalita si Boy Abunda tungkol sa kabadingan at sa pagiging sagrado Katoliko. Ayon sa TV host hindi siya agree sa lahat ng itinuturo ng simbahan particulary about homosexual relationships.
Sa episode pala ng The Bottomline last Sunday, sinabi niyang hindi siya pabot sa pagbabawal sa mga bakla na makipag-sex sa kapwa lalaki, “I am not devout, in the traditional way of defining ‘devout,'” he clarified. “I am a Catholic and I am proud to be Catholic.”
“I do not agree to all the teachings of the Church, and one of them is saying that, ‘We’re okay with homosexuality, but the moment you practice, the moment you have sex, it is a sin.'” he said.
Boy further explained, “Sa aking pananaw, paano naman ako magmamahal bilang isang homosexual man if I don’t express sexually my love with my partner? Isa ‘yon sa mga disagreements. Doon kami hindi nagkakaintindihan.”
Alam naman ng lahat na may partner ngayon ang TV host sa katauhan ni Bong Quintana, mahigit 30 years na silang nagsasama.
Tinanong din siya kung naniniwala siya na ang relasyon niya kay Bong ay isang kasalanan, “No. How can love be a sin?”