Guro nabwisit na sa mga kadramahan ni Piolo: Tumigil na siya!

piolo pascual
Naiinis ang mga kaibigang tumawag sa amin, punumpuno na raw kasi sila sa pagiging echoserang frog ni Piolo Pacual, masyado na raw gamit na gamit sa kanyang lovelife ang anak niyang si Iñigo na nag-aartista na rin.

Litanya ng isang kaibigan naming propesor sa isang kilalang unibersidad, “Naiinis na ako. Nu’ng una, e, kinakaya ko pa ang mga sinasabi ni Piolo tungkol sa pag-aasawa niya.

“Gasgas na gasgas na ang sinasabi niya na masyado raw kasing seloso ang anak niya, nu’n daw kasing nakipagrelasyon siya, e, matagal siyang hindi kinibo ng anak niya.

“Ipaubaya ba ang lovelife niya depende sa kung ano ang gusto ng anak niya? Ginagawa niya namang walang isip si Iñigo, parang pinalalabas niya naman na walang concern sa buhay niya ‘yung anak niya?” inis na sabi ni prop.

Sabi  ng isa pang tumawag sa amin, “Pakipangaralan mo nga ‘yang si Piolo Pascual! If you get to talk to him, pakisabi lang, tantanan na niya ang pagsasabing kapag eighteen na ang anak niya, e, saka pa lang siya makikipagrelasyon.

“Nakakaumay na ang mga ganu’ng drama, puwede ba? Kung ayaw niyang magkaroon ng girlfriend, fine! Maiintindihan naman siya ng tao, di ba? Pero para gamitin niyang excuse nang napakatagal nang panahon ang anak niya, magtigil nga siya!” paminsan-minsan lang mainis ang kaibigan naming ito.

May punto ang aming mga kausap, ilang taon na ba ngayon si Piolo Pascual, hindi na siya bagets para umasta ng ganyan.

Read more...