WALANG problema kay Enrique Gil kung wala siyang permanenteng ka-loveteam. Sa simula pa lang kasi ng showbiz career ng binata ay naitambal na siya sa iba’t ibang leading lady.
Sey ni Enrique, mas maraming advantage ang walang permanent partner dahil laging may bagong aabangan sa kanya ang mga manonood – meaning wala raw sawa factor.
“Yun ang okay din sa akin. Paiba-iba tapos you get to learn. ‘Yun nga lang, ‘yung fans minsan, du’n nagkakaproblema. So may good side and may bad side.
This is just work and kung fans talaga, you can support us sa iba’t ibang shows namin,” sabi ni Enrique sa pocket presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Forevermore kung saan bago uli ang partner niya, si Liza Soberano.
Inamin naman nina Enrique at Liza na ngayon pa lang ay kinakabahan na sila sa kung anong magiging reaksiyon ng manonood sa Forevermore.
Sey ni Enrique, “Kinakabahan din, pero yung state of mind namin ‘wag mong isipin yun, you have the best director, you have a good script, you have a good story, so we trust the team.
“Yun ang gusto namin, yung ma-feel nila kami, at ‘pag na-feel nila kami, ‘pag kumapit na, I believe magiging okay na,” sey ng binata. Sa ngayon, dagdag pa ni Enrique, kailangan pa raw nilang magkakilala pa ni Liza, “Kasi ‘di pa kami ganu’n ka-close.
I mean, para sabihin mong sure na akong puwedeng maging kami, siyempre kailangan pa kaming mag-bond nang matagal. And nag-uusap kami, nagte-text pero yung ligaw, bawal pa.”