Dingdong wala pang isusuot sa kasal nila ni Marian

marian dingdong
Marami pang kailangang asikasuhin sa kasal nila ni Marian Rivera si Dingdong Dantes.

Sunod-sunod ang balita at activities that the primetime king of GMA has been doing of late right after matapos ang kaniyang primetime soap Ang Dalawang Mrs. Real.

When both Dingdong and Marian said na hands-on ang gagawin nila sa kasal nila, they mean hands-on talaga mula sa pagpili ng ninong at ninang, kung kailan at saan at pati ang respective stag party ni Dingdong sa Germany and Marian’s bridal shower naman sa Hong Kong.

Now, Dingdong has planned a grand party with the press. Sabi ni Dingdong, ito na raw ang last gathering niya with the press before he change status from single to married as mentioned in the invitation din done by GMA.

He almost forgot na baka magkita-kita pa kami dahil may “Kubot: The Aswang Chronicles II” pa siya for MMFF 2014 which for sure he will promote heavily – the MMFF will start December while his marriage to Marian will be on Dec. 31 pa.

Anyways, may venue na ang reception pero hindi pa pwedeng sabihin. Ang wala pa, ang isusuot ni Dingdong, either kung sino ang tatahi at kung barong or suit ba ang isusuot niya.

Marami na raw kumakausap kay Dingdong offering their services na gawin ang pangkasal niya pero wala pa siyang definite na natatanguan unlike Marian na nag-announce nang si Michael Cinco ang tatahi ng kaniyang trahe de boda.

Read more...