Piolo: DNA test lang ang katapat nu’n, ano basta ganu’n lang!?

piolo pascual
May libreng kiss kay Piolo Pascual ang mananalo sa 6th Sunpiology Run?

Waiting for the presscon of Sun Life Insurance sixth year run with the able help of ABS Star Magic top male star Piolo, gigil na ang aming kaibigang editor kung magbibigay ito ng halik sa mananalo.

May balak yata ang hitad na sumali just for the kiss alone dahil aminin niyo naman, a kiss from Piolo is just like a touch of heaven.

Aba, nang nag-question and answer portion na, tinanong talaga ito ni editor at natawa si Piolo na sinagot na why not, kiss lang naman.

Anyways, happy ang Sun Life na hindi sila iniiwan ni Piolo since they approached him to be the company’s endorser at maging main runner ng kanilang fun run na ginagawa since they got him.

The fund-raising fund has its new name and theme: Sunpiology – An Adventure-Filled Run With The Stars. Kung last year, naging colorful ang fifth edition run dahil ito ang naging theme noon, this time, it’s with an “Indiana Jones” adventure element with the four elements, water, air, earth and fire part of the fun-run.

The sixth edition will happen on Nov. 15, Saturday, 3 p.m. sa Bonifacio Global City. Unless umulan that time, mainit-init pa yun so we presume the kit the Sun Life will be providing the runners will have something to help alleviate the heat.

There are four groups, 500 meter run for P350 entrance fee, 1K run for P500, 3.5K run for P800 and the 10K run for P900 entrance fee. Pati ID na isusuot ng mga runners color coding para hindi magkaroon ng confusion on who came first sa mga tatakbo in their respective runs.

Meanwhile, Piolo admitted that his son Iñigo underwent DNA testing but he refused to elaborate, “Yes. Pero huwag na natin pag-usapan. I don’t wanna build up the issue.” Ang mismong sister niyang si Chiqui Gonzales ang nagkumpirma nito sa E News Asia kung saan na-feature ang buhay ni Piolo.

Sinabi rin ni PJ na hinahanda na niya ang kanyang last will and testament kung saan ang kanyang ina ang main beneficiary. At kung meron pang ibang batang lalabas na magke-claim na anak niya, “DNA lang ang katapat nun.

Ano ‘yon, ganu’n-ganu’n lang?”

Read more...