Kuya Germs pabor sa paglipat ni Willie sa GMA: Welcome siya rito!

kuya germs
Nabanggit na rin lang namin ang Sunday All Stars ng GMA, nakausap namin si Master Showman and now King of Late Night Show na si German “Kuya Germs” Moreno sa presscon ng Star Cinema’s “The Trial”  na ipalalabas sa Oct. 15 directed by Chito Roño.

Dito nagsalita si Kuya Germs sa nababalitang paglipat ni Willie Revillame sa Siyete. Diumano, ilalagay ang show ni Willie as pre-programming ng  Sunday All Stars.

Go, go, go lang ang unang sabi ni Kuya Germs sa amin. Just in case ‘di alam ng iba, Si Kuya Germs ang consultant ng SAS. Positibo siya na makakatulong sa programa nila si Willie.

“Well, who knows? Alam ko kanya-kanyang panahon naman ‘yan, e. Kahit sa Sunday All Stars nakikita natin kung ano ang problema, e, siguro ginagawa naman nila ang lahat ng magagawa.

And pag-ikot ng ano niyan, may pagbabago na naman. Ganoon lang ‘yan,” ani Kuya Germs. Welcome na welcome naman kay Kuya Germs kung matutuloy si Willie sa GMA.

Hindi rin siya naalarma nu’ng mabalita na unang ilalagay ang show ni Willie kapalit ng kanyang late night show na Walang Tulugan.

“No, no, no. Let’s wait and see because Willie is Willie, okey? And Willie is a… thankful din ako dahil nag-donate siya para sa ginagawa ko na every December may Walk of Fame.

In fact, hindi naman dahil sa binigyan niya ako kaya ko ilalagay ang pangalan niya this coming December. Dapat ‘yan noon pa, e. Pero nu’ng sinabi sa akin ni Mareng Cristy (Fermin) na wala pang time si Willie, so, hindi namin matuluy-tuloy,” kwento niya.

Kaya ngayong December 1 daw kasama na ang pangalan ni Willie sa Walk of Fame. Kasabay na rin daw ‘yun ng pa-thanksgiving niya, una para sa kanyang birthday at ang pagkakakuha ng gold medal ng kanyang apo na si Luis Gabriel Magdayao Moreno sa archery noong nakaraang Youth Olympics.

Si Gabriel ang ikatlong apo ni Kuya Germs sa kanyang unico hijo na si Federico sa misis niyang si Sheila Magdayao na kapatid naman nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Ang tatlo pang anak nina Federico at Sheila ay sina Joel, Franchesca at bunsong si Raffy. Part of the P2.5M million cash incentives mula sa Malacañang ay ibinigay sa team nina Gab ay idinonate niya sa GMA Kapuso Foundation.

Ngayon pa lang ay namana na ni Gab ang pagiging generous ng kanyang Lolo Germs, este Papa Germs sa pagtulong sa kapwa.
Kinuha rin namin ang opinion ni Kuya Germs sa pagpasok ng bagong may-ari ng GMA na si Ramon Ang.

Tiyak daw na magkakaroon ng malaking pagbabago sa network dahil sa bagong may-ari. “Well, abangan na lang natin dahil  hanggang hindi pa nangyayari, hindi pa natin pwedeng sabihin na ‘yun na pala, ganoon na pala, ‘no? So, pero suportado naman ng lahat ng taong nariyan, nobody, nothing will change.”

Hindi naman nakaramdam ng kaba Kuya Germs with the new owner ng Kapuso network, “Basta ako kung kailangan ninyo pa ako, of course, e, ‘di nand’yan lang ako.

Alam ninyo naman maraming nagkainteres sa atin. And until now naman, e, marami pa ring interesado (sa akin).” Lilipat siya sa ibang istasyon? “Well, depende ‘yan sa itatakbo ng usapan.

Nasa ano ‘yan, kung kailangan pa ako syempre you have to continue kung ano ang nasimulan mo.” Wish naman ni Kuya Germs for his birthday kundi ang magandang kalusugan at dumami pa sana ang tulad niya sa showbiz.

Read more...