IISA ang tono ng Malakanyang at ng Moro Islamic Liberation Front tungkol sa Bangsamoro Basic Law. Sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kapag hindi naipasa ang panukalang batas na ito, mas marami ang mahihikayat na sumapi sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS. Ganito rin ang sabi ni MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal. Aniya, ang pagsusulong ng isang jihadist Islamic State sa Pilipinas ay maaaring lumawak kapag hindi naisabatas ang BBL.
The scenario being pictured here is scary to say the least. There is indeed a possibility that the radicalism and extremism of ISIS could influence and encourage the pursuit of a Jihadist State in Muslim Mindanao.
But are they really connected? Should the BBL fail in meeting the necessary legislative scrutiny and processes, will it really lead to an escalation of ISIS influence in Muslim Mindanao?
Ano muna ang katotohanan bago iugnay ang dalawa? Na ang kawalan ng isa ay paglala ng isa? At ang maaaring paglawak ng isa ay maaaring dulot ng pagkukulang na maipasa ang isa?
Bagaman limitado, ang kaisipan ng isang ganap na pag-iral ng isang Islamic State sa ilang bahagi ng Muslim Mindanao ay matagal nang umiral. Hindi ito isinilang o umusbong dahil sa pagsikat ng ISIS. Ito ay kaisipan at masasabing aspirasyon na nag-uugnay sa mga Muslim, saan mang panig sila ng daigdig, may ISIS man o wala. Ang tunggalian ay sa kung ano ang pagsasakatuparan ng kaisipan ang aspirasyong ito. Doon na papasok ang matalim na manipestasyon nito na tinatawag na “radical and extremist jihadist Islamic State.”
Minsan sa kasaysayan ng mahigit ng apat na dekada ng labanan sa Muslim Mindanao, ang MILF ay dumaan at tumindig din sa kaisipan at aspirasyon ng pagsusulong ng isang Islamic State bagaman ito ay malayo at hiwalay sa uri ng ipinapakitang kilos ngayon ng ISIS. Dito sila nagkahiwalay noon ng Moro National Liberation Front , kaya nga nagkaroon ng dalawang malaking paksiyon noon at kaya nga, sa kabila ng Kasunduang Pangkapayapaan noong 1996, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay piniling ang MILF ay kausapin din para sa isang pormal na kasunduang Pangkapayapaan.
Dito papasok ang sinasabi ng MILF na kung hindi maisasabatas sa inaasahan nilang takdang panahon o timeframe ang BBL, maaaring lumawak o lumaganap ang kaisipang jihadist Islamic State ng ISIS. Sa payak at tahasang salita, kapag may BBL na, kami na ang bahala, kami na ang magpapadapa sa kaisipang iyan. Ang hindi sinasabi dito ay kung saan magmumula ang paglawak ng kaisipang ISIS kung hindi maisasabatas ng ganap ang BBL. Sa hanay din ba ito ng MILF magmumula?
Totoong maaaring may magawa ang pamumuno ng MILF sa pamamagitan ng BBL sa mga sakop na lugar sa Muslim Mindanao, ngunit hindi ito garantiya, hindi ito kasiguruhan dahil ang bagay na ibinababalang maaaring lumawak ay matagal nang umiiral maging sa mga lugar na may kapangyarihan ang MILF. Ang pagtutol sa marahas na pag-iral at pagpapatupad ng mga pamamaraan ng Islam ay katungkulang moral at ispiritwal ng liderato ng MILF, may usapang pangkapayapaan man o wala, may BBL man o wala.
BBL sagot nga ba sa extremism sa Mindanao?
READ NEXT
Nang-rape na, nanghawa pa ng STD
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...