Sorry na lang, mga pasabog ng ex-wife ni Derek wa epek

derek ramsay
Parang walang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon si Derek Ramsay kung ang pagbabasihan ay ang napakainit na pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.

Kahit saan magpunta ang hunk actor ay ganu’n pa rin ang pagtanggap sa kanya, kinikilig ang mga kababaihan, hindi naman alam ng mga becki kung magpaparetrato ba sila kay Derek o tititigan na lang ng mga ito ang guwapong aktor.

Kapag panahon pa ng isang personalidad ay walang puwedeng magbagsak sa kanya, kulapulan man siya ng putik ay walang problema ‘yun sa publiko, patuloy pa rin nilang susuportahan ang pinagpipistahang personalidad.

Kung anu-ano nang bintang ang ipinukol sa kanya ni Mary Christine Jolly, sobrang personal na nga ang mga banat nito sa kanya, pero parang walang pakialam du’n ang ating mga kababayan.

Sa mga lugar kung saan kinunan ang mga pinakaunang sultada ng The Amazing Race Philippines Season 2 na nagsimula nang mapanood kagabi sa TV5 ay saludo sa karisma ni Derek ang kanyang mga katrabaho.

“Kahit saan kami magpunta, pinagkakaguluhan siya na para bang walang mga paninirang lumalabas tungkol sa kanya.
“Very charismatic si Derek, ‘yun ang leverage niya sa ibang mga personalidad, malapit sa kanya ang tao,” sabi ng staff ng reality-talent search ni Derek Ramsay sa TV5.

Read more...