We did watch Eat Bulaga’s FHHM grand finals but we were not able to finish it so hindi namin alam kung sino ang nagwagi.
Until, in one Facebook fan site, ay nabasa naming si Liana Ella Kuzma “Paps” ang nagwagi sa FHHM.
“Siya ay kapatid ng former EB host na si Leila Kuzma. Ikinagulat ng marami ang pagkapanalo ni Liana Ella. Marami ang nagsasabi na ito raw ay LUTO dahil nga sa ito ay kapatid ni Leila.
May katotohanan nga ba ito? O sadyang mapaglaro lamang ang isipan ng mga manonood. Ano ang masasabi n’yo tungkol sa issue na ito mga ka-PCG?” the fan site article said.
Wala kaming nababalitaan na nangyayaring lutuan sa mga pakontes ng Eat Bulaga so we felt that this is a non-issue. Baka meron lang mga talunang contestants ang nagpapalutang ng intrigang ito.
Ano kaya ang masasabi ng mga taga-Eat Bulaga rito? Any comment?