KIDAPAWAN CITY, North Cotabato—Swak sa kulungan ang isang lalaki na pinatay umano sa pamamagitan ng kuryente ang sariling ina sa Brgy. Central Bulanan, Midsayap, North Cotabato noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Midsayap chief of police Supt. Renante delos Santos, ang biktima na si Susan Sinoy, 49, na nagtamo ng mattitinding sunog sa katawan.
Sinabi ni Delos Santos na base sa inisyal na imbestigasyon, idinugtong ng 21-taong-gulang na anak ng biktima na si Jobert ang live wire sa sampayan habang nagsasampay ang kanyang nanay ng basang mga damit.
“We are still conducting investigation as to the motive of the suspect,” sabi ni Delos Santos.
Inaresto ang suspek ng mga remespondeng mga opisyal ng barangay bago pa man dumating ang mga lokal na pulis.