Karla P1.5-M ang singil kada show nina Daniel at Kathryn

karla estrada
Mahal pala talaga maningil si Karla Estrada kapag may concert si Daniel Padilla kasama ang banda niya at si Kathryn Bernardo. Tumataginting daw na P1.5 million ang hinihinging talent fee na package deal para kina Daniel, Kathryn at ang banda nga ni Daniel.

Hindi kaya naimbiyerna ang band members ni Daniel dahil barya-barya lang ang napupunta sa kanila kaya merong nagpakalat ng audio-video recently?

Baka naman ang feeling ng banda ay taken for granted sila when it comes to talent fee kapag may shows sila sa mga probinsiya.
Ang feeling naman namin, hindi naman ang banda ang nagdadala ng concert, siyempre, sina Daniel at Kathryn pa rin ang dinudumog ng tao, ‘no!

Actually, merong isang bagay na napatunayan sa paglabas ng controversial audio-video ni Daniel – na capable pa rin siyang humanga sa kagandahan ng ibang babae bukod kay Kathryn.

It also showed na hindi naman talaga in love si Daniel kay Kathryn and all there is to them ay friendship na kailangan nilang i-sugarcoat just because they are in a love team at milyong fans ang kinikilig sa kanilang tambalan.

As a mom, hindi dapat mag-sorry si Karla kay Kathryn but she did dahil alam niyang nasaktan ang dalaga sa kumalat na audio-video. Ang lumalabas tuloy ay asang-asa si Kath na loyal sa kanya si Daniel pero hindi pala.

Read more...