No. 1 spot naagaw ng Arellano Chiefs

HUMAKBANG ang Arellano University sa isang laro para kunin ang number one spot matapos pataubin ang San Beda College, 78-76, sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumangon ang Chiefs mula sa dalawang puntos pagkakalubog sa huling 21 segundo at nakuha nila ang panalo bunga ng magandang depensa galing kay Ralph Salcedo para magkaroon ng 13-4 baraha.

Hawak na ng Chiefs ang twice-to-beat advantage sa Final Four pero puwede nilang okupahan ang number one spot na hawak ng Red Lions sa huling walong taon sa liga kung manalo sa Lyceum sa Oktubre 8.

Naunang itinabla hi John Pinto ang iskor sa 76-all sa isang step-back jumper pero panalo-overtime ang habol ng Red Lions dahil may 9.3 segundo na lamang ang nalalabi sa orasan.

Ngunit natapikan ni Ralph Salcedo si Ranbill Tongco at ang bola ay napulot ni Keith Agovida na agad na ipinasa kay Jiovani Jalalon.

Nakita ni Jalalon na nasa unahan na si Salcedo para ipasa ang bola na nagresulta sa layup at malaking selebrasyon sa mga panatiko ng Chiefs.

Si Dioncee Holts ay mayroong 19 puntos at 12 rebounds sa halos walang pahingang paglalaro habang si Pinto ay may 10 puntos. Si Agovida ay naghatid pa ng 17 habang si Isiah Ciriacruz ay may 12 pa.

Tumapos si Ola Adeogun taglay ang 23 puntos at 22 rebounds para sa Red Lions na may twice-to-beat advantage papasok sa semis.

Read more...