LJ Reyes botong-boto kay KC para kay Paulo
Pagkatapos ng question and answer sa finale presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay tinanong namin si Paulo Avelino tungkol sa sinabi ni LJ Reyes na payag siyang ipakilala ang anak nilang si Aki kay KC Concepcion.
Nabanggit pa ni LJ na boto naman siya kay KC kung sila na ni Paulo ang magkakatuluyan. Napangiti ang aktor sabay sabing, “Well, thank you, thank you, kahit sino naman siguro ‘yung makatuluyan ko or anything or makasama ko habambuhay, ganu’n din naman ako siguro kapag nahanap na niya (LJ) ‘yung taong para sa kanya na makakasama niya habambuhay, I’m sure I’ll be giving the same support she’s been giving me.”
Say ni LJ ay okay sa kanya na makasama si Paulo sa project, “Yeah, wala namang problema sa trabaho, pero parang malabo lang ngayon, pero, bakit hindi,” sagot ng aktor.
May mga tanong pa sana kami kay Paulo pero nakiusap na okay na raw ‘yun dahil baka paiyakin na naman namin siya. Natandaan pala niya bossing Ervin ‘yung hindi niya sinagot ang mga tanong namin kaya talagang tinira namin siya.
Samantala, patapos na pala ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pakiramdam ng lahat ay pinutol dahil hindi naramdaman na naka-17 weeks na pala ito.
“Actually, lumampas na nga kami sa target (weeks), hindi ko nga alam na humaba na (17 weeks), so okay na rin, at least may time na ring magpahinga ng konti.
May kailangan kasi akong tapusing pelikula sa Regal/Reality with Isabelle Daza at Jasmine Curtis, horror movie po,” paliwanag ng aktor.
Tungkol naman sa passionate love scene nina Bea at Paulo kitang kumportable raw sila habang ginagawa nila ito at nag-trending pa.
Ani Paulo, “Siguro po, hindi kami magiging kumportable ni Bea sa mga ganu’ng eksena but what we could do is focus on what characters needs to do and siguro nandoon pa rin ‘yung respeto sa isa’t isa.”
Naikuwento rin ni Paulo na inaasar siya ni Bea sa set ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, “Hindi ko alam kung saan niya hinahagilap ang mga impormasyon niya, parati niya akong inaasar sa set, asar talo lagi ako.
Pero, si Bey (tawag kay Bea), kasi alam mo pag masaya siya lalo na pag galing siya sa bakasyon, pagdating niya, iba ‘yung aura niya, sobrang ganado magtrabaho, nauuna sa set.”
Speaking of LJ Reyes, kamakailan ay nakausap nga namin ang aktres at isa sa mga tinanong namin sa kanya ay kung may trust fund na bang kinuha si Paulo Avelino para sa anak nilang si Aki.
“Inaayos pa niya. Ha-hahaha! Pero meron na naman ako (para kay Aki), pero siyempre sa kanya rin,” tugon ni LJ. Tinanong din namin kung may boyfriend na siya, “Wala as in, paano ako magkakaroon, may Yagit project pa ako na eere na sa Oct. 13 (sa GMA), nag-aaral pa ako (tinatapos ang kursong Economics) tapos mommy pa ako, so saan ko pa isisingit? Saka, wala pa sa loob ko, work muna at tapusin ko lang studies ko.”
Ipinagmamalaki naman ni LJ ang award-winning Cinemalaya entry nilang “The Janitor” produced by APT Entertainment at iri-release ng Star Cinema, showing on Oct. 10.
Pinagbibidahan ito nina Dennis Trillo, Richard Gomez, Ricky Davao, at marami pang iba, sa direksiyon ni Mike Tuviera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.