Bound for Germany ang character actress na si Sylvia Sanchez habang nagaganap ang grand presscon ng pelikulang “The Trial” ng Star Cinema kung saan she plays the mother ng lead star na si John Lloyd Cruz.
Bukod kay Sylvia, wala rin sa presscon ang isa pa sa member ng cast na si Vivian Velez. Kung si Richard Gomez na gumaganap bilang abogado ni JLC sa “The Trial” ay nakasama na ni Lloydie during Palibhasa Lalaki days, si Sylvia naman ay unang nakatrabaho si John Lloyd sa Tabing Ilog.
“Medyo, okey-okey lang ang eksena namin. Delayed ang isip ni JL sa movie. Ang galing niya rito!” sambit ni Sylvia nu’ng huli naming nakausap sa farewell presscon ng Be Careful With My Heart.
Sa naturang presscon, pansin na namin kung paano nadala ni Sylvia ang character niya sa “The Trial” bilang tomboy na ina ni JLC, “Dalang-dala ko na ba? Ha-hahaha! Babae ako kanina.
Lalaki ba, Julie?” tanong ni Sylvia sa amin. “Sorry, nadala ko lang siguro sa ‘The Trial.’ Na-internalize kong mabuti ‘yung role ko kaya hanggang ngayon dala-dala ko.”
Showing na on Oct. 15 ang movie directed by Chito Roño. Hindi naman daw siya na-intimidate working with John Lloyd ngayong hasang-hasa na sa drama ang aktor.
“Saka si Lloydie nakikipag-connect siya sa lahat. Hindi siya ‘yung selfish na actor. Kaya mas nagsa-shine siya. Kasi kapag magaling ka at hindi ka nananapaw pero magaling ka talaga, lalabas at lababas ‘yun.
Unlike ‘yung alam mong magaling ka tapos nananapaw ka sa lahat, ah, patay ka,” diin niya. May eksena raw siya sa “The Trial” kung saan susuntukin at bubugbugin niya si John Lloyd. ‘Yun na!