Paulo umiiyak pag inaasar ni Bea

bea alonzo
PAULIT-ULIT na sinabi ng napakagandang si Bea Alonzo (inside and out) sa thanksgiving presscon ng top rating teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na mami-miss niya ang mga kasama niya sa show sa pangunguna ng leading man niya na si Paulo Avelino.

Talagang na-enjoy daw ni Bea ang pagtatrabaho sa buong cast ng SBPAK with her Tita Susan Roces, Kuya Albert Martinez at marami raw siyang natutunan sa mga ito.

“And aside from that ‘yung doing two roles siguro, doing Emmanuelle and Rose. ‘Yun ang pinakana-enjoy ko kasi grateful ako na nabigyan ako ng ng ganito ka-complex na characters na alam ko na hindi siya parating naibibigay sa akin.

Hindi everyday na meron ganitong opportunity na maibibigay sa isang tao,” ani Bea. Abot ng 17 weeks ang SBPAK at bawat eksena mahirap para kay Bea dahil complex ang character niya sa story, “Marami kang dapat i-consider sa bawat salita na sasabihin mo especially I have two leading  men na equally magaling at mahal ng audience.

Pero dahil well-guided si Bea ng kanyang director at writers ng show plus ang kanyang leading men, nagiging exciting sa kanya bawat scene na gawin niya.

Hindi pa raw plantsado kung ano ang magiging ending ng SBPAK. Pero kung si Bea ang tatanungin ayaw niyang mamatay ang kontrabidang si Sasha played by Maricar Reyes.

Ibinuking naman ni Paulo na palagi siyang inaasar ni Bea sa set ng kanilang serye, “Kasi nakakatuwa pag nag-react siya kaya nakakatuwa siyang asarin,” natatawang sabi ni Bea.

Sabi pa ni Paulo umiiyak siya kapag inaasar ni Bea, “Uy, sobra naman siyang paawa! Kung anu-ano lang, like outfit niya, ‘yung mga naririnig ko about him.”

Tungkol naman kay KC na nali-link kay Paulo? “Hindi ko alam. Hindi ko alam ‘yung sa kanila ni KC, e. Hindi siya nag-open-up, e. Piniga-piga ko na, ayaw.  Lagi lang niya ako nginingitian.

Sabi niya nag-open up na raw siya,” kaswal na tsika ni Bea. Hindi naman daw makapagbigay ng advice si Bea kay Paulo tungkol sa lovelife at i-share sa binata ang secret ng togetherness and happiness ng boyfriend niya na si Zanjoe Marudo, “Actually, we’re far from being perfect kaming dalawa ni Z.

But ang pinakamaganda doon masaya kami kahit na hindi perfect ang relation namin at kuntento kami sa isa’t isa,” sey pa ni Bea. Pero wish ni Bea kay Paolo na sana ay makakita ang leading man niya ng babae na para sa kanya.

Good guy daw si Paolo and he deserves a good girl. Anyway, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay produksyon ng Dreamscape Entertainment Television sa direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan kung saan tampok din sina Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Nikki Valdez, Francis Magundayao, Michelle Vito, at ang veteran stars na sina Eddie Garcia, Anita Linda at Susan Roces.

Read more...