Regine walang alam sa kamunduhan nang pakasalan si Ogie: Pero sulit!!!

regine velasquez
Sulit na raw si Regine Velasquez kay Ogie Alcasid. Tonight ang pilot ng Bet Ng Bayan sa GMA at 9:40 up until 10:40 p.m. It is hosted by the Asia’s Songbird and one of the two Kapuso male stars getting the Prime Leading Man tag, si Alden Richards.

Bale magtatapat sina Regine at Vice Ganda starting this Sunday, mabuti na lang magkaiba ang format ng mga shows nila dahil pareho silang unkabogable, not just si Vice.

Hitsurang pinag-isipan talaga ang format ng Bet Ng Bayan dahil hindi ito the usual talent-search show. Ang show nga ang dinadala ng GMA sa actual province kung saan magsisimula ang labanan.

This way, newer talents are discovered, may nagkuwento nga sa amin na staff na isang beki ang nagbuwis buhay sa isang mataas ngunit manipis na bamboo at tumalon mula sa itaas para mag-split pagbaba, truly different and haven’t seen yet talaga.

Regine and Alden do the hosting in the actual province so kailangan niyang mag-overnight once a week to do the show leaving son Nate muna kay Ogie.

As always, kapag presscon ni Regine, nagkakaroon ng naughty discussion. This time, Regine disclosed na talagang wala siyang alam sa kamunduhan noon dahil dalawa lang naman daw ang naging boyfriend niya para matuto siya ika nga.

Ang ikalawa nga, pinakasalan pa niya, si Ogie. Dagdag ni Regine, she doesn’t mind dahil kay Ogie pa lang, sulit na rin naman daw siya kaya nagsigawan ang press dahil may kakaibang connotation ang pagkakasabi ni Songbird.

Read more...