Andrea Torres isinumpa, nagiging aswang

andrea torres
Maswerte ang Kapuso star na si Andrea Torres, mula kasi nang lumipat siya sa Kapuso network mula sa ABS-CBN ay hindi na siya nawalan ng proyekto. Tuluy-tuloy ang kanyang trabaho at puro magagandang proyekto ang ibinibigay sa kanya ng istasyon.

Natanong si Andrea sa press launch ng bago niyang afternoon series sa GMA na Ang Lihim Ni Annasandra kung saan makakasama niya muli ang kanyang ka-loveteam na si Mikael Daez, kung may mga Kapuso stars ba na naiinggit sa kanya?

“Wala naman akong napi-feel kasi, in fairness naman po sa GMA, lahat friendly, love love love lang, sabi nga nila. So, magaan naman kasama lahat tsaka nagtutulungan lahat.

May mga nakilala na rin ako na naging close friends ko na,” ani Andrea na nakapaseksi during the bonggang-bonggang presscon ng Annasandra.

Magsisimula na ang bagong GMA Afternoon Prime series na ito bukas (Oct. 6) kung saan gumaganap si Andrea na isang “awok” o aswang. Makaka-love triangle nila rito ni Mikael si Pancho Magno.

Ka-join din sa Ang Lihim Ni Annasandra sina Rochelle Pangilinan, Glydel Mercado, Emilio Garcia, Ma. Isabel Lopez, Arthur Solinap, Joyce Burton, Gab de Leon, Erika Padilla at ang magiging kontrabida sa buhay ni Annasandra na si Cris Villonco. Ito’y sa direksiyon ni Albert Langitan.

Ito ay kuwento ng isang babaeng isinumpa – mula sa isang napakagandang anyo ay nagiging isa siyang “awok” (aswang) pag sumasapit ang hatinggabi.

Mapasakamay kaya ni Annasandra ang hinahanap na tunay na kaligayahan sa piling ng lalaking iniibig sa kabila ng kanyang tunay na pagkatao? ‘Yan ang inyong tutukan sa pagsisimula ng seryeng ito sa darating na Lunes.

Samantala, nagsalita rin si Andrea tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni KC Concepcion. Malaki raw kasi ang pagkakahawig nila ng Kapamilya leading lady.

“Meron nga pong mga nagsasabi. Siyempre nakaka-flatter po kasi isa ‘yun sa mga tinitingala ko naman talaga sa showbiz. So, nakaka-flatter po kapag sinasabi nila ‘yun. Happy,” sey pa ni Andrea.

Read more...