Sulat mula kay Jenny Candabong, Argao, Cebu
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang taon na po kaming nagli-live in ng boyfriend ko pero wala pa kaming anak, hanggang isang araw dahil sa nararamdaman kong malimit na pagsakit ng aking tiyan ay napatingin ako sa isang albularyo. Ang sabi ng albularyo kaya daw sumasakit ang tiyan ko dahil may nainom daw ako na isang bagay na nagpapasakit dito at ang lumabas sa tawas na isinagawa sa akin na hindi ko daw talagang mahal ang ka-live in ko kaya hindi kami magka-anak at ginayuma lang daw ako nito. Dahil sa sinabing iyon ng albularyo binalikan ko ang aking nakaraan, naalala kong noong nililigawan palang ako ng ka-live in ko ay inis na inis talaga ako sa kanya hanggang sa isang araw namulat na lang ang sarili ko na mahal ko na pala siya kaya sumama na ako sa kanyang makipag-live in kahit hindi kami kasal. Totoo kaya ang sinasabi ng albularyo na ginayuma lang ako ng ka-live ko? Kapag kasal na daw kami saka palang mawawala ang sakit ng tiyan ko at kapag kasal na daw kami ay magkaka-anak na rin daw kami. Totoo kayang lahat ng sinasabi ng albularyong ito at totoo kayang ginayuma lang ako? February 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Jenny ng Argao, Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang namataang Marriage Line (Illustration 1., arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ginayuman kaman o hindi ng kasalaukuyan mong ka-live in, wala ka ng magagawa “habang buhay na kayong magsasama” dahil iyan na ang nakatakda.
Cartomancy:
Ang Seven of Hearts ang nagsasabing higit kang magiging maligaya kung aalisin mo na sa isip mo na ikaw ay ginayuman lang ng ka-live in mo. Habang ang Ten of Diamonds at ang Queen of Diamonds ay nagsasabing kapag natanggap mo na ng maluwag sa loob mo na mahal mo talaga ang iyong ka-live at hindi ka nya ginayuma, sigurado ang magaganap – sa bandang huli uunlad at yayaman ang inyong pamilya.
Itutuloy…
Totoo ba ang gayuma?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...