Sulat mula kay Paulo Magkiangkang, Bayuga, Agusan del Sur
Problema:
1. Sa edad ko pong 28 years old hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend, pero ang sabi ng nanay ko guwapo naman daw ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo
upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend? At nais ko rin pong malaman kung ang nililigawan ko na kayang babae ang magiging girlfriend ko?
2. Ang babae pong ito ay isinilang noong July 2, 1989 at nagtatrabaho sa isang restaurant. Ako naman po ay nagta-trabaho din sa nasabing restaurant at lagi kaming mag kasama. November 7, 1985 naman ang birthday ko. Kami na kaya ng nililigawan kong ito ang magkakatuluyan at sa darating na Pasko magiging girlfriend ko na kaya siya?
Umaasa,
Paulo ng Bayuga, Agusan Del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang babaeng nililigawan mo ang nagsasabing compatible kayo dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong water o tubig.
Numerology:
Sa aspetong pang-Numerology ay halos ganoon din. Tugma kayo dahil ang birth date mong 7 at 2 naman ang sa nililigawan mo ay kapwa nasasakpuan ng planetang Moon-Neptune. Ibig sabihin, magkasundo talaga kayo. Kaya konting ligaw pa at pagtitiyaga dahil tiyak ang magaganap. Sa taon ding ito ng 2014 o bago sumapit ang Pasko ay magiging girlfriend mo na ang babaeng nililigawan mo.
Luscher Color Test:
Upang madali kayong magkahulugan ng loob ng nililigawan mo ay lagi kang masuot ng damit na kulay berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magdadala ng suwerte at magandang kapalaran habang patuloy kayong nagmamahal ng nililigawan mong babae na magiging girlfriend mo na sa darating na kapaskuhan.
Huling payo at paalala:
Paulo, ayon sa iyong kapalaran, basta’t magtiyaga-tiyaga ka lang sa panunuyo sa babaeng nililigawan mo sa kasalukuyan dahil buwan na lang ang binibilang—kung hindi sa Nobyembre ay tiyak na sa Disyembre, sa edad mong 29 pataas—magiging girlfriend mo na rin sa wakas ang babaeng nililigawan. At pagsapit naman ng taong 2017, sa edad mong 32 pataas, ang nasabing babae ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay ng pamilya.