Pumanaw na ang magaling na komedyanang si Tiya Pusit nu’ng Huwebes nang hatinggabi pagkatapos nang may dalawang buwang pagkakaospital dahil sa sakit sa puso.
Sumailalim siya sa operasyon, pero marami pang kumplikasyon ang lumabas, hanggang sa life support na lamang ang bumuhay sa kanya nitong mga huling araw.
Nakababatang kapatid ng magaling ding komedyanang si Nova Villa si Tita Meng, na-kagawa siya ng napakaraming pelikulang komedya, isang malaking kabawasan si Tiya Pusit sa mundo ng katatawanan.
Mabentang-mabenta ang komedyana kapag eleksiyon, bentang-benta ang galing niya sa pagho-host sa ating mga kababayan, ilan lamang sa mga sinuportahan niyang pulitiko sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Mayor Joey Marquez.
Ang pinakahu-ling isyung kinapalooban ng komedyana ay ang pagkakaroon ng karelasyong mas bata kesa sa kanya nang maraming taon.
Pagkatapos nu’n ay napabalita na ang kanyang pagkakasakit, matagal siyang nanatili sa Philippine Heart Center, hanggang sa binawian na siya ng buhay nu’ng makalawa.
Ang taos-puso naming pakikiramay sa pagpanaw ng isang mahusay na komedyana. Nakikidalamhati po kami sa lahat ng kanyang mga iniwan.
Paalam, Tiya Pusit.