Billy sa ‘sex video’ ni Coleen: Walang basagan ng trip!

billy crawford
NATAWA lang daw si Billy Crawford nang mabalitaan niya na may sex video raw ang girlfriend niyang si Coleen Garcia. Kumalat ang nasabing video scandal noong makulong siya dahil sa sobrang kalasingan.

“Na-timing nga na nasa loob ako kaya wala akong alam. Alam ko namang ‘di totoo ‘yan, natawa na lang si Coleen after. There are lot of important things to do,” sey ni Billy sa isang interview.

“Nagpapapansin lang ang mga tao, gawa-gawa sila ng mga istorya. Wala naman tayong magagawa diyan, walang basagan ng trip,” nangingiti pang sabi ng TV host-actor.

Hindi na rin daw niya tinanong si Coleen tungkol dito dahil alam niyang hinding-hindi magagawa ng kanyang dyowa ang ganu’ng bagay.

READ NEXT
Read more...