Mga bading nagpiyesta nang bonggang-bongga
SAYANG at hindi ako nakapanood ng press preview ng pelikulang “My Kontrabida Girl” ng GMA Films starring controversial star Rhian Ramos and the most sought-after hunk in the business – Papa Aljur Abrenica.
Kaya hindi na ako tumuloy sa press preview at 7 p.m. sa SM The lock ay dahil baka maipit ako sa aking 10 p.m. radio program sa DZMM.
Kaya nakibalita na lang ako from some friends.
“Nakakakilig daw ang film at bongga raw ang bukol ni Papa Aljur mo.
Kaya tara na, panoorin na natin para suportahan ang ilusyon mo!” biro sa akin ni kafatid na Lito “Yanggaw” Alejandria ng Zirkoh Morato.
Nakakatawa naman si Lito. Talagang ang bukol ni Papa Aljur ang napagdiskitahan.
Si Papa Aljur lang daw ang male actor sa nasabing film na hindi nagpakita ng butt dahil yung apat na young actors daw na kasama nila ni Rhian ay nagpakita ng pwet.
“Hindi pinayagan ni Mommy Amor (Abrenica) na maghubad si Papa Aljur mo kaya nagkasya na lang siya sa boxers.
Pero bongga naman daw ang bukol kaya for sure mae-enjoy mo,” etching naman sa akin ni Romel Galapon.
Wait naman. Parang pinalalabas naman ng mga bakla na sa bukol lang ni Papa Aljur ako interested.
Wala naman sigurong ganoon.
Nakakahiya tuloy kay Papa Aljur. Baka isipin niyang sexual lang ang fantasy ko sa kanya – wala nang friendship. Ha-hahaha!
And teka lang naman, bakit idinadamay pa ninyo ang name ni Mommy Amor na siyang may ayaw daw na maghubad si Papa Aljur.
Kilala ko si Mommy Amor, hindi iyan nakikialam sa showbiz career ni Papa Aljur.
Unless solicited, hindi nakikisali si mommy sa showbiz activities ni Papa Aljur kaya I doubt kung totoong siya ang pumigil para magpasilip ng kanyang likuran si Papa Aljur.
Pero kung ako ang tatanungin, mas maganda na yung walang hubad-hubad na eksena si Papa Aljur, puwede yung pang-tease lang pero huwag na lang hubad.
I-reserve na lang niya iyan sa better films niya in the future na nangangailangan ng ganoong mga eksena.
Okay na yung magpa-cute lang muna siya ngayon, kung pang-festival na ang role niya, baka puwede na siyang sumugal, yung pagiging daring – if needed lang naman, di ba?
Okay! Ngayong araw na kasi ang regular showing ng “My Kontrabida Girl” and knowing me kung gaano katamad pumunta ng sinehan para manood, mukhang dito ako masisira.
Kasi nga, naka-book na kami nina Lito and other friends na manonood sa Trinoma ng 2 p.m..
Kung ayaw n’yong maniwala, pumunta kayo sa Trinoma by that time today at tiyak na magkikita tayo roon.
Suporta lang kumbaga kay Papa Aljur. Ganoon ako ka-loyal and ka-faithful sa kanya, ‘no! Ikaw na ang maging Bona Abrenica. Laban? Ha-hahaha!
Good luck sa movie mo, Papa Aljur.
I will pray harder na lalong pumatok ito sa takilya para lalong dumami ang projects mo.
In fairness, maganda raw ang kabuuan ng film, parang “Zombadings” daw ito na mga lalaki naman ang bida.
Ganoon? Puwes, hindi ko talaga ito palalagpasin. As in, now na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.