SSS benefits sa may anak na may kapansanan

AKO po si Roger Paragas. Gusto ko po sanang itanong ang tungkol sa sa SSS ng father ko.

Matagal na po siyang nagpepension sa SSS at ang SSS number niya ay 0324228089. Ako po ay may kapatid na may kapansanan ang name niya ay Rap-Roi.

May nakapagsabi sa akin na maaari raw i-declare ng tatay ko ang kapatid ko na may kapasanan na beneficiary para magkaroon ito ng benefits sa SSS. Ano ang dapat namin gawin?
Sana ay matulungan ninyo kami. Malaking tulong ang benefits na makukuha para sa ka-patid ko lalo na sa kanyang sitwasyon.
Salamat po.
Roger

(REPLY): Ito pa ay kaugnay sa concern na ipinarating sa atin ng Aksyon Line mula kay Ginoong Roger Paragas.
Base sa record ng ama ni G. Paragas, nakadeklara naman bilang beneficiary ang kanyang kapatid.
Gayunman, natigil na ang allowance nito mula sa SSS noong Marso, 2014 dahil umabot na sa 21-years old ang kanyang edad.

Ngunit dahil mayroon siyang kapansanan, maaaring ideklara ng ama ni G. Paragas na ang anak niya ay may kapansanan.

Sa ganitong paraan ay maaari nang maituloy o maging permanente ang benepisyo na makukuha ng kapatid ni G. Paragas sa SSS.

Ngunit kinakailangan ng medical record ng kanyang kapatid na magpapatunay na simula noong siya ay ipinanganak ay may kapansanan na ito.

Sakali naman walang anumang record, maaari namang humingi ng certification kahit sa health center lamang na magpapatunay na siya nga ay isang disabled.

Personal din siyang bibisitahin ng SSS para makita ang sitwasyon nito.

May nakalaan na 10% sa buwanang pension ang matatanggap ang kapatid ni G. Paragas at maaari itong maging permanente.

Magtungo lamang sa pinakamalapit na sangay ng SSS para sa nasabing benepisyo.

Salamat sa iyong liham G. Paragas at sana ay nasagot namin ang kanyang katanungan.

Ma lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media affairs
Department SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...